SA KABILANG banda naman ay nagising na lang si Harrison sa kamay na humahaplos sa kaniyang buhok. Nakatulugan kasi niya ang pagbabantay sa nobyo. "H-hubby?" "Pasensiya na kung nagising kita. Ang sarap mo kasing titigan habang natutulog ka," anito ngunit hindi niya iyon pinansin. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya habang inaalalayan itong umupo. Pinaglagay din niya ito ng unan sa likod para makahilig ito ng maayos sa headboard ng hoslital bed nito. "Ayos lang ako." "Anong ayos? E, halos himatayain ka na nga sa kakasuka mo kahapon. Tapos sumabay pa ang cold intolerance mo. Alam kong sumabog sa loob mo ang sobrang init ng sili sa katawan at lamig na naging dahilan para atakihin ka." "Hubby, okay nga lang ako," giit pa nito saka hinawakan ang

