SA NAKALIPAS na isang taon ay naging masaya ang pagsasama nina Jennie at Harrison. Kung may mga hindi sila pagkakaintindihan ay agad nila iyong pinaguusapan at nilulutas. Nagkilala na rin ni Harrison ang tiyahin ni Jennie ngunit ang kapatid nitong lalaki ay hindi pa niya nakikita ng personal sa litrato niya lang ito nakikita. "Katatapos lang ng anniversary natin, ah? Anong meron? Bakit bigla kang nag-aya na lumabas?" tanong ni Jennie matapos niya itong ipaghila ng upuan. Inaya niya kasi itong kumain sa labas para ibalita na rin ang tungkol sa mangyayari exchange employees ng MI. Nangyayari kasi ang exchange employees taon-taon para nabibigyan ang bawat isa ng pagkakataon na maikot lahat ng MI sa buong Asia at isa na roon si Harrison. "Wala naman. Gusto lang kita makasama. Alam mo naman

