UNBEARABLE TWENTY

2188 Words
"SECRETARY MILLARES, may I know all my schedules for today?" Adalius asked when Perry entered his office. "Good morning, Sir! At 10:00 am, you have video conference with the board of directors. At 2:00 pm, video agreement negotiation with the EEE Group and..." Bahagyang tumigil si Perry para tapunan ng sandaling tingin si Adalius at si Mr. Walter. Bumuntong hininga muna siya bago iniabot ang sticky-note na pinagsulatan niya dahil hindi pwedeng malaman ni Mr. Walter ang ganap nila ni Adalius mamaya. 'At 6:00 pm, you have a date with Secretary Millares as you promised.' Adalius laughed after reading the sticky note silently. "Oh, thank you for reminding my last schedule. You may now go back to your table." Yumuko lang siya saka nilisan ang opisina nito. Hindi na tuloy siya makapaghintay sa ganap nila mamaya. Gusto niya kasi itong makasama ngayong birthday niya at sa pagkakataong iyon, siya naman ang manlilibre dito. Napatingin naman siya sa kaniyang cellphone nang marinig niya ang ringtone niyon. Napangiti siya at agad na sinagot ang tawag nang mabasa ang pangalan ng ina sa caller ID. "Hi, Mom! How are you?" "I'm fine, son. I just wanted to greet you a happy happy birthday! I wish you good health and more birthdays to come," maligalig na bati nito sa kaniya. Bigla tuloy niyang namiss ang kaniyang ina lalo na ang mga paborito niyang handa na niluluto nito sa tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan. "Thanks, Mom! I miss you so much. God knows how I miss your hugs," malungkot na sabi niya saka pinigilang pumiyok sa nagbabadiyang luha sa kaniyang mga mata. "Oh, I miss you too, son. Kung pwede lang sana akong pumunta diyan pinuntahan na kita. Ang kaso kasi alam mo naman may bagyo dito ngayon sa Pilipinas kaya cancelled ang mga flights." "It's okay, Mom. Ang importante safe kayo diyan." "Oo naman, anak. Basta mag-iingat ka rin diyan. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." "Yes, Ma. Ikaw din. Mag-iingat ka diyan at huwag masyadong pagurin ang sarili. Baka sa susunod na buwan ay makapagpadala ako ng malaki-laki para makakuha ka pa ng isang katuwang mo diyan na lalaki para may tagabuhat at tagasara kayo ng roll up ni Hyacinth sa shop. "Naku, maraming salamat, anak!" masayang sabi nito na nagpawala ng pagod niya. "Kumusta nga pala iyong mga bulaklak na pinabili niyo sa akin? Dumating na ba?" "Oo, anak! Mabuti na lang dumating ng mas maaga sa bagyo. Sold out na nga ang iba sa mga iyon. At may iba na naghahanap pa," masayang balita nito. "Ganoon po ba? Hayaan niyo kukuha ako ulit sa sabado. Dadagdagan ko na rin para marami kayong stock. Pati nga vase at pot kukuha na rin ako." "Salamat anak!" "Wala ho iyon. Sige, Ma. Ibababa ko na 'to. Magsisimula na kasi ang video conference ng CEO." "Okay! Happy birthday ulit, anak! I love you!" "I love you too, 'Ma! Bye!" Pagkababa niya ng tawag ay mabilis siyang pumasok sa opisina ni Adalius para ayusin ang mga dapat niyang ayusin sa video conference nito. "I'm so lucky that you're my secretary," bulong ni Adalius kay Perry nang matapos ang video conference. Natigil naman sa pag-aayos si Perry ng mga papers sa opisona nang bigla siyang yakapin ni Adalius wala sa likod niya. "Magaling ka kasing CEO," papuri niya. "How about in bed?" pilyong sagot nito. Nag-init ang tainga niya. "Bakit biglang napunta sa performance mo sa kama ang usapan?" natatawang sabi niya. Humigpit naman ang yakap nito sa baywang niya. Ramdam tuloy niya ang p*********i nito sa kaniyang likuran. Kinagat-kagat pa nito ang punong tainga niya. "I miss you. And you know what? I want to take you right here, right now," nang-aakit na sabi nito saka sinimulang halikan ang leeg niya. "B-but we're in the office. W-we can't do it here," aniya habang pinipigilan na makalikha ng ingay. "I don't care." "Naka-score ka naman sa a-akin kagabi, ah? M-miss mo agad?" sambit niya habang mas binibigyan ito ng pagkakataon para papakin ang leeg niya. Hinila naman siya nito pahiga sa couch. "Alam mo namang ikaw ang stress reliever ko, hindi ba?" "Hindi ka naman mukhang stress," tudyo niya. "Akala mo lang 'yon." "B-baka pumasok si W-walter." "Mamaya pa siya 'yon. May inutos ako sa kaniya. At saka, I lock the door that's why no one can stop me to devour and ravish you." Wala na siyang nagawa kundi ang sunggaban na ito ng halik. Hindi na rin kasi niya kayang pigilan ang nilikha nitong apoy kaya nauwi sila sa quickie. "SO, WHERE are we going next?" tanong ni Adalius pagkalabas nila ng sinehan. Katatapos lang kasi nilang manood ng romantic action movie. Napayuko siya. Baka kasi pagtawanan lang siya nito kapag sinabi niya ang sunod na destinasyon nila. "Hey! I'm asking you!" "Huh? Ahm. G-gusto ko sana sa a-arcade," hindi makatinging sabi niya. "Okay!" Gulat na ibinalik niya ang tingin dito. "Really?!" Kumunot ang noo nito. "Why?" Umiling siya. "A-akala ko kasi tatanggihan mo ako o pagtatawanan." Umakbay ito sa kaniya. "Bakit ko naman gagawin iyon?" "Because I'm acting like a child?" deretsang sabi niya. Ginulo nito ang buhok niya. "No, you're not! I know you just want to enjoy this day. At saka, sinabi ko sa 'yong babawi ako, hindi ba? Kaya kahit anong gusto mong gawin ngayon, wala akong karapatan na magreklamo. I will let you to boss me tonight." Napangiti siya at niyakap ito. "Thank you!" "P-Perry? W-we're in a public place," anito na kinagulat din niya kaya mabilis siyang bumitaw dito. "S-sorry! Let's go!" hinging paumanhin niya saka tumalikod at nagpatiuna. Wala namang problema kay Adalius ang magkaroon sila ng public display of affection. Siya lang talaga ang may ayaw ng ganoon. Mabuti na lang at pinaalalahanan siya nito. Natatakot kasi siya na baka may makakilala sa kaniya doon at agad na ipamalita sa kaniyang ina. At saka nahihiya din siya kung may nakakakita sa kanilang kakilala ni Adalius. Palihim siyang napasapo sa kaniyang mukha dahil sa hindi niya napigilang kilos. Mabuti na lang talaga at walang nakakakilala na ang kasama at kayakap niya kanina ay ang CEO ng REI. "YES! FINALLY!" Adalius screamed when he finally gets the stuffed toy in the machine after trying so many times. "Here," he said as he handed him the cute bunny stuff toy. Adalius indeed a businessman, he wouldn't stop trying until he gets want he wants. "Thank you!" he thanked as he hugs the fluffy toy. "So, which one is next?" Adalius asked as he looked around. Perry looked around too until 'The Resident Evil' game caught his attention. It's a type of two players game wherein they will shoot together all the zombies approaching to them using the two toy guns. "There!" he said as he pointed at the game. "Okay! Make sure to shoot all the zombies as many as you can." He just nodded and followed him. "YES! We made it!" they both shouted when they finally defeated all the zombies after three trials. Due to their victory, they did the high-five, but their hands accidentally intertwined in the air which made them stunned for a moment. They looked at each other and they feel like their world stopped. Pero agad din silang bumitaw at nag-iwas ng tingin nang sabay nilang maramdaman na parang may kung anong kuryente o init ang humaplos o dumaloy mula sa kanilang mga kamay papunta sa kanilang mga puso. Nawala lang ang kaasiwaan sa pagitan nila nang tumunog na ang tiyan ni Perry dahil sa gutom kaya naman nagpasiya muna silang maghapunan bago umuwi. "S-sa basketball naman tayo," aya ni Perry para maalis sila sa awkward situation na iyon. Sumunod naman sa kaniya si Adalius. "Are you sure you want yo play basketball?" tanong nito sa kaniya. "Yes! Why?" "I'm the varsity player when I was in college. The captain of our team, perhaps." "Oh! So, you wanna bet?" hamon niya rito. "Are you in?" hamon din nito sa kaniya pabalik. "What if I win?" tanong ni Perry. Bahagya itong lumapit sa kaniya saka bumulong. "I'm going to take you in every position I want until dawn." "Why you're so naughty?" Ngumisi ito. "Because I want my prize to become worthy." Hindi siya nakaimik. Para tuloy gusto na lang niyang umatras sa larong sinimulan niya. "What about you? What prize do you want if I lose?" tanong nito nang makalayo na sa kaniya. May kung anong bumbilya sa ulo niya ang biglang umilaw at tumunog. Hindi siya papayag na ito lang ang magbenefit. Ginaya niya ito. Lumapit siya at bumulong din dito. "You'll be mine." Ito naman ang naputulan ng dila. Halatang gulat na gulat sa sinabi niyang kondisyon. "F-fine. L-let's start," hindi makatinging sabi nito. "Yes! I won!" hiyaw ni Adalius nang ito ang manalo sa ikalimang game nila. Kung sino kasi ang unang makatatlong panalo ay iyon ang mananalo at si Adalius nga ang nagwagi. Dismayado man si Perry ay hindi na niya pinahalata dito. Alam niyang desperada na siyang lagyan ng label ang relasyon nila pero sabi nga nila, ang pustahan ay pustahan kaya dapat sporty siya. Makikinabang din naman siya sa pagkapanalo nito. MATAPOS maglaro ay nagdesisyon na silang kumain ng hapunan French restaurant ay agad silang umorder ng gusto nilang mga pagkain. "Are you happy?" tanong ni Adalius matapos nilang mag-order. Ngumiti siya. "Oo naman! Kasama kita, e." Nag-iwas naman ito ng tingin saka ininom ang tubig na naunang sinerve sa kanila habang hinihintay nila ang kanilang mga order. "You're blushing!" nakangiting tudyo niya rito. "I'm not!" tanggi nito. "Kinilig ka, ano?" "Hindi, ah!" "E, bakit namumula ang tainga mo?" "Mainit, e!" tanggi pa nito. "Ang lamig-lamig nga dito sa labas, paano naging mainit?" Sa labas kasi sila ng restaurant pumwesto. "Perry!" suway nito na kinahalakhak niya. Hindi niya akalain na may pagkapikon din pala ang lalaki. "Nahuhulog ka na ba sa akin?" tanong niya na kinatigil nito. Marahil nag-iisip kunga aamin na ba ito o hindi pa. "Perry, I think I—" "Adam!" a baritone voice said in the middle of their conversation. Kumunot ang noo niya nang lumapit ito sa kinaroroonan ni Adalius. Matangkad at maputi ang lalaki. Kulay blonde ang buhok nito at may kulay itim na hikaw. Maganda rin ang pangangatawan nito at mukhang may kaya rin sa buhay. Pero para sa kaniya, hindi niyon malalagpasan ang panlabas na kaanyuan ni Adalius. Nag-iba ang timpla ng mukha niya nang bahagya nitong nilapit ang mukha kay Adalius saka bumulong na sapat lang para marinig ni Perry. "Or should I call you Adalius?" "E-Enrique," mahinang suway ni Adalius sa lalaking nasa harapan nila ngayon. Tumayo ito ng tuwid saka humalukipkip. "Why you didn't answer all my texts and calls? I told you that I'm desperate to get you back!" anito dahilan para tumikwas ang isang kilay ni Perry. Sino ang lalaking ito sa buhay ni Adalius? Bakit alam nito ang totoo nitong pangalan? Ibig bang sabihin niyon alam din nito na si Adalius ang CEO ng REI? Ito ba ang taong kinakatagpo ni Adalius noong mga araw na hindi niya ito nakakasama? Is he his ex-lover? Bakit parang may kung anong hatid na kirot iyon sa puso niya? Nagpapalit-palit naman ang tingin ni Adalius sa kaniya at sa lalaki dahilan para tapunan siya ng tingin ng lalaki. "Is he the reason why you don't want to come back to me again?" matapang na tanong nito habang nakatingin sa kaniya. Ang lalaking ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin ni Adalius? Laro lang ba talaga ang lahat para rito? Akala ba niya malapit na siya nitong mahalin? Bakit pinaramdam nito sa kaniya na mahalaga at importante siya para rito pero ano itong nasasaksihan niya? Pinaasa lang ba siya nito? Nangilid ang mga luha niya. Pasimple siyang suminghot saka pinigilang pumiyok dahil sa namumuong bara sa lalamunan nita. Tinapunan niya ng tingin si Adalius habang pinupunasan ang kaniyang bibig gamit ang table napkin saka tumayo at humarap sa lalaki. "Good evening, Sir! I'm Perry Millares, the executive secretary of REI," pormal na pakilala niya kahit ang totoo ay gusto na niya itong suntukin dahil sa tinging ibinabato nito sa kaniya. "Oh, nice to know that. I thought you're Adalius's new f**k buddy," turan nito habang binibigyang diin ang huling tatlong salita nito. Naikumo niya ang kaniyang mga kamay. Hindi niya gusto ang tabas ng dila ng lalaking ito. Hindi niya akalain na ang masaya sana niyang kaarawan ay sinira nito. Napansin naman ni Adalius ang tensyon sa pagitan nila ni Enrique kaya naman tumayo na ito at umawat. "Enrique! Could you please stop making a scene here?" galit na bulong ni Adalius dito na silang tatlo lang ang nakakarinig. "Why? Are you afraid that everyone might find out who you really are?" sarkastikong tanong nito. "Just accept the fact that we're done! Let's go, Perry!" galit na sabi nito saka sila tinalikuran. "Y-yes, Sir!" aniya saka agad na sumunod dito pero nakakatatlong hakbang pa lang siya nang lingunin niyang muli ang lalaki na nakangising nakatingin din sa kaniya. Ngising hindi magdudulot ng maganda hindi lang sa buhay ni Adalius kundi pati na rin sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD