Ilang lingo na ang nakalipas nang huling beses na makaharap ni Xandrie ang lolo ni Brix. Ilang lingo na ring hindi sila nagkikita ng kasintahan. Ayon dito, masyado silang abala sa catering service ng mga ito. Naiintindihan naman iyon ni Xandrie kaya kahit miss na miss na niya ang nobyo, hinahayaan na muna niya itong asikasuhin ang negosyo nito. Regular pa rin naman ang pagtawag at pagpapadala ng bulaklak nito sa kaniya, kaya sa ngayon nakokontento na muna siya sa gano’n. “Baks, aalis muna kami ni Jaspher ha? Pupuntahan lang namin ang mommy niya at nagtatampo na raw.” Lumapit ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. “Okay, mag-iingat kayo,” tugon naman niya sa kaibigan. Naiinggit siya kay Maggy dahil gustong-gusto ito ng ina ni Jaspher. Samantalang siya parang against all odds ang dr

