NANATILI si Meteor sa bahay ni Luke dahil sa kagustuhan nito dahil hindi maari raw siyang mapahamak lalo pa't nawawala si Carlo. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman niya, ang totoong pagkatao ni Mayor Rogue at ang katayuan nito sa bayang iyong. Paano nila malalaban ang kasamaan nito? Paano niya ipaglalaban ang tama kung isa lang siyang normal na tao at walang kakayahang lumaban? Sino'ng mga kakampi niya? Lahat ng mga tao sa Pulan ay nagbubulag-bulagan dahil sa takot nila sa Mayor. Sino'ng sasama sa kaniya?
Bumuntong-hininga siya habang nakahalukipkip sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas ng bahay ni Luke. Kanina pang magulo ang isip niya sa nangyayari. Nasaan si Carlo? May kinalaman ba ang Mayor sa pagkawala nito? Hindi niya na alam dahil tama nga si Luke, marami pa siyang hindi nalalamang sa bayang akala niya'y kilala na niya.
Mayamaya napalingon siya nang marinig niyang may tumikhim sa likod niya. Lumingon siya at nakita niya si Luke na seryoso lang ang mukha. Saglit itong yumuko at lumapit sa kaniya.
"Alam kong magulo ang isip mo sa mga nangyayari at natutuklasan mo sa bayang ito, Meteor at alam kong maraming tanong sa isip mo na hindi mo mahanap ang sagot." Bumaling ito sa labas ng bintana pero muli rin siyang tiningnan. "Alam mo ba ang tunay mong dahilan kung bakit ka bumalik sa Pulan?" seryosong tanong nito.
Kumunot ang noo ko sa naging tanong nito dahil isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nanditong muli sa Pulan kahit na ayaw ng kaniyang ina, iyon ay ang hanapin ang katotohanan sa pagkamatay ng kaniyang ama.
Sumeryoso ang mukha niya. "Isa lang noon ang dahilan ko kung bakit ako nandito, Luke, ang hanapin ang totoo sa nangyari sa aking ama pero ngayon, hindi na lang iyon ang dahilan ko," bumaling siya sa labas ng bintana, "gusto kong ipagpatuloy ang paglaban niya sa mga taong sumisira sa kalikasan."
Nanatili ang mga mata ni Luke sa kaniya. Kapagkuwa'y sumilay ang manghang ngiti sa labi nito. "Hindi na ako nagtataka na anak ka ni Rogue. You're really like him," manghang komento nito.
Kumunot ang noo niya. Kilala nito ang pangalan ng kaniyang ama? "K-kilala mo ang aking ama? P-paano?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Umiwas ito sa kaniya ng tingin at saglit na yumuko. "Sino bang hindi makakakilala sa isang katulad ni Roger? Kilala siya ng lahat ng mga lobo at sumasaludo kami sa adbokasiya niya sa kalikasan." Ngumiti ito. "Pero sa tingin mo may iba pang dahilan kung bakit nandito ka ngayon sa Pulan?" Tiningnan lang siya nito sa mata. Hindi siya makasagot dahil sa paraan ng tingin nito. "Dahil may ibang dahilan kung bakit nandito ka ulit, may kulang sa iyo na dito mo lang mahahanap sa bayang ito na bubuo sa tunay mong pagkatao," makahulugan nitong pahayag.
Kung kanina, magulo na ang isip niya, mas gumulo pa iyon dahil sa mga sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin na bubuo sa totoo niyang pagkatao? Sino ba talaga siya?
"A-ano'ng ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang tanong niya dahil kilala naman niya kung sino siya at kung saan siya nagmula.
Humarap sa kaniya si Luke. Nanatili ang mga mata niya rito kaya naman kita niya ang mapang-akit niyonga kulay blue na mga mata. Hinawakan siya nito sa balikat at hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa pagdait ng kanilang mga balat. Pakiramdam niya'y may enerhiyang nanggaling dito.
"Please, promise me...na...na kahit ano'ng malaman mo, magtitiwala ka sa akin at pakikinggan mo ako dahil maraming bagay ang hindi mo maiintindihan," anito na bakas ang senseridad sa mukha at pagkabahala roon.
Kumurap siya at umiwas dito ng tingin. "P-pero paano ako magtitiwala sa iyo kung hindi ko alam ang sinasabi mo? Ni hindi ko alam kung ano'ng koneksyon ko sa mga katulad mo? Bakit kailangang madamay ako, kami sa away ninyo?" nalilitong tanong niya.
"This is not the right time, Meteor at malalaman mo rin ang lahat at ayaw kong mapahamak ka. Puprotektahan kita hanggang kaya ko, hanggang nandito ako dahil ako dapat ang kasama mo, ako ang puprotekta sa iyo." Nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam pero ramdam niya ang kakaibang t***k ng puso nito.
Umiling siya. "Hindi ko maipapangakong magtitiwala ako sa iyo, Luke dahil hindi ko alam ang totoo sa lahat ng nangyayari," giit niya. "P-paano kung nasa maling panig pala ako? H-hindi ko alam ang ugat ng pag-aaway ninyo at ang bawat nakatagong intensyon ng bawat isa sa inyo," pagtatapat niya
Bumuga ng hangin si Luke. Bahagya pa itong lumapit sa kaniya. "Hindi ba sapat na nandito ako para protektahan ka? Hindi ba sapat para magtiwala ka na hindi ko kayang mapahamak ka? Na handa akong magbuwis ng buhay para sa iyo?" marahan at puno ng emosyon nitong sabi.
Hindi niya alam ang ire-react sa mga narinig. Sino ba siya para ibuwis nito ang buhay para sa kaniya? Ni hindi nga siya nito kilala ng lubod, maging siya man ay ganoon din. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon na lang kabuti ang binata sa kaniya.
Kahit pilitin man niya ang sarili, alam niyang sa loob niya ay may kumibot doon na damdamin. Hindi niya mawari ang sarili dahil sa mga tinuran nito, naghurementado ang puso niya. May kung ano'ng init ang bumalot sa kaniya.
Nanatili ang mga mata niya sa binata, puno ng pagtataka at pagkamangha sa mga sinabi nito. "P-pero bakit? Bakit kailangan mo akong protektahan? Bakit kailangan mong ibuwis ang buhay mo para sa akin?"
"D-dahil itinakda ako para sa iyo, para protektahan ka, para ibuwis ang buhay ko para sa kaligtasan mo." Bumakas bahagyang ngiti sa mga labi nito. "We're connected, Meteor. Konektado tayo sa isa't isa dahil noon pa man, ikaw ang hinahanap ng puso ko."
—
HUMAHANGOS habang mabilis na tumatakbo si Meteor sa masukal at madilim na kagubatan. Tanging ang mga punong sumasayaw dahil sa malakas na hangin at huni ng mga ibon ang naririnig niya. Hindi niya alam kung nasaan siya at kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Kailangan niyang makatakas sa mga humahabol sa kaniya.
Sa bawat pagpatak ng mga pawis sa noo niya, kasabay niyon ang luha sa kaniyang mga mata dulot ng labis na takot at pangamba sa pwedeng mangyari sa kaniya sa kamay ng mga humahabol sa kaniya.
Kapagkuwa'y, narinig niya ang mga kaluskos sa magkabilang gilid niya. Mabilis siyang napabaling doon kasabay ng panglaki ng kaniyang mga mata dahil kita niya ang mabibilis na mga lobong humabol sa kaniya. Dahil sa pagtutok niya sa mga ito, napatid siya sa sanga at bumagsak sa masukal na lupa.
Nagsimula na siyang humagulhol dahil sa labis na takot. Ito na ba ang katapusan niya? Nanginginig ang mga katawan niya at nanghihina. Sinubukan niyang tumayo pero hindi niya nagawa. Mas nahintatakutan siya nang bumagsak sa harap niya at tatlong lobong humahabol sa kaniya. Malalaki ang mga ito at kaya siyang lamunin ng buhay. Kulay pula ang mga mata at brown ang balahibo ng mga ito.
Napaatras siya. "L-Luke! Please, tulungan mo ako!" bulong niya sa pangalan ng binata dahil alam niyang ito lang ang makakapagligtas sa kaniya. Umiling-iling siya. "P-please, huwag po! M-maawa kayo!" pagmamakaawa niya at umaasang pakikinggan ng mga nilalang na iyon. Nagpatuloy siya sa pag-atras.
Tanging ang mga angil nito ang naging tugon sa kaniya. Kailangan na ba niyang tanggapin ang katapusan niya at iwan ang lahat ng sinimulan niyang paghahanap sa tunay na nangyari sa kaniyang ama? Pumikit siya at lumunok. Wala na siyang kawala sa banta ng kamatayan.
Hinintay niya ang mga sakmal at kagat ng mga taong lobo at ang sakit niyon pero hindi niya naramdaman kasunod ang mga angil ng mga lobo sa harap niya. Dahan-dahan soyang nagmulat at ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya ang pamilyar na bulto ng isang lobo.
Nabuhay ang pag-asa niya dahil alam niyang nandoon si Luke para iligtas siya. Gumuhit ang ngiti ng pag-asa sa kaniyang mga labi.
"Luke!" banggit niya sa pangalan nito.
Mayamaya pa'y nagsimulang sumugod ang tatlong mga lobo kay Luke at parang mga sangang puno lang sila na nagtalbugan sa malayo. Mabilis na kumilos si Luke para atakihin ang isa sa kanila at walang awang pinatay nito iyon. Galit na galit ang bawat angil at ungal ng mga ito hanggang sa tuluyan napatay ni Luke ang mga kalaban.
Nawala ang takot sa kaniya dahil nandoon na si Luke para iligtas siya. Naramdaman niya na ligtas na siya at wala ng kahit sino'ng magtataka pa sa kaniya. Nakita niyang dahan-dahan lumapit si Luke sa kaniya. Mga mga dugo ang mukha nito.
Ngumiti siya dulot ng saya dahil nasa harap na niya ito. "S-salamat, Luke," masayang aniya.
Ngunit bigla napawi ang mga ngiti niya nang makita niyang ang kulay asul nitong mga mata ay naging kulay pula na animo'y isang buwan na nagngangalit. Naging mas matapang ang mukha nito. Nahintatakutan siya kaya napaatras siya.
Nagsimula itong umungal at kakaiba iyon na animo'y isang demonyo ang may-ari niyon. Nagsitaasan ang balahibo niya sa takot. "L-Luke," aniya.
Lumapit pa ito sa kaniya habang nakatingin lang sa kaniyang mga mata. Bumuka ang bibig nito at lumabas ang nangangalit na mga pangil kasunod ang malakas na pagsigaw niya nang atakihin siya nito at ibaon ang mga pangil sa kaniyang leeg. Ramdam niya ang sakit niyon at ang pagtulo ng dugo sa kaniyang katawan.
Mabilis na bumangon si Meteor mula sa nakakatakot na bangungot na iyon. Habol niya ang kaniyang paghinga at ramdam ang namumuong pawis sa kaniyang noo dahil sa matinding takot. Akala niya'y totoo na ang lahat dahil parang totoong nangyari ang eksenang iyon.
Mabilis niyang hinipo ang leeg niya pero wala namang sugat doon. Nakahinga siya ng maluwang. Napapikit siya at napabuga ng hangin. Pinahid niya ang pawis sa kaniyang noo habang sapo niya ang kaniyang dibdib na tumitibok ng mabilis.
Nakaramdam din siya ng uhaw. Bumaling siya sa paligid at madilim sa silid na kinaroroonan niya kaya napagtanto niyang madilim pa ang paligid.
Naisuklay niya ang sariling mga daliri sa buhok niya. Ramdam niya ang labis na kaba at takot dahil sa Panaginip na iyon na hindi niya maintindihan. Ano'ng kinalaman ni Luke sa panaginip niyang iyon? Bakit ito mismo ang kumagat sa kaniya?