Kabanata XIV: Destined

1787 Words
HINDI pa rin makapaniwala si Meteor sa mga sinabi ni Paul sa kaniya. Ano'ng pagkatao mayroon ito? Bakit pinipigilan siya nitong makialam sa issue ng Pulan? Bakit nararamdaman niya ang concern nito para sa kaniya? Hindi niya lubos maisip ang pwedeng dahilan nito at kung karapat-dapat bang ibigay niya ang tiwala sa binata lalo't alam niyang anak ito ni Rogue. Tahimik siyang lumabas ng comfort room habang nahihiwagahan pa rin kung ano ba ang pakay ni Paul sa kaniya. Habang nag-iisip siya, nagulat na lang siya nang maramdaman niyang may humawak sa braso niya at hinila siya patungo sa pinto, palabas ng gymnasium na iyon. "S-sino—L-Luke? A-ano'ng ginagaw mo rito?" gulat na sambit niya nang makilala niya ang lalaking humila sa kaniya palabas ng lugar na iyon. "Nahihibang ka na ba, Meteor para pumunta rito at kwestiyunin ang Mayor? Hindi mo kilala ang tao iyon at ang kaya niyang gawin sa iyo dahil sa pagpapahayag mo ng saloobin mo," agad na sermon sa kaniya ni Luke nang bitawan siya nito at tuluyang makalabas sa lugar na iyon. Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam pero bakit nakikita niya ang pag-aalala sa mukha nito at ang labis nitong concern sa kaniya. Umiwas siya rito ng tingin dahil hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba dahil sa pinakita nito sa kaniya. "I-I'm just asking, Luke at wala naman sigurong masama kung magtatanong ako and besides as a citizen may karapatan akong magtanong lalo't hindi lang iyon usapin ng simpleng problema ng isang bayan, malaking epekto iyon sa mga tao, sa Pulan, sa buong mundo," paliwanag niya. Bumuntong-hininga si Luke at nasapo ang noo, halatang nagpipigil ito ng inis at galit. "And do you think may paki sa sasabihin mo ang Mayor? Kung wala nga siyang paki sa Pulan, sa iyo pa kaya?" Kumiling ito at kinalma ang sarili. Hinarap siya ng binata. "Meteor, listen ok? Hindi mo kilala si Rogue at ang kapangyirihan niya sa bayang ito. Para kang bumangga ng mataas at matibay na pader sa gagawin mo. Meteor, please, huwag kang magpadalos-dalos sa gagawin mo dahil kapahamakan ang resulta niyon. Ayaw kong mapahamak ka," malumanay nitong sabi habang nakatingin lang sa kaniya at bakas doon ang pag-aalala para sa kaniya. Hindi siya nakaimik. Nanatili ang mga mata niya sa maganda nitong mga mata na para bang may enerhiyang humihigop sa kaniyang paningin para hindi umiwas. Naramdaman niya ang kakaibang pitik ng puso niya na dapat hindi niya nararamdaman. Nang makabawi siya, kumurap siya at saka yumuko. Napalunok siya at agad dumistansiya sa binata. "I-I'm sorry, Luke," marahan niyang sabi. Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "Let's go," anito at luminga sa paligid. Bahagya siyang napapitlag nang hawakan nito ang braso niya at marahan siyang hinila palayo sa lugar na iyon. Sa muling paglapat ng kanilang mga balat, nakaramdam na naman siya ng tila init at kakaibang pakiramdam na bumubuhay sa bahagi ng kaniyang pagkatao. Bakit ganoon na lang ang epekto ni Luke sa kaniya? Hindi na lang siya nagreklamo at nagpadala na lamang sa binata, kung saan siya nito dalhin. "L-Luke," nahihiyang banggit niya sa pangalan nito nang makababa sila sa tricycle. Patungo sila sa bahay ni Luke sa bahaging iyon ng gubat. "Oh?" tanging sagot nito. Saglit niya itong tinapunan ng tingin habang tahimik lang itong naglalakad at diretso ang tingin sa daan. Lumunok muna siya. "Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa mo ito," aniya. Sa pagkakataong iyon, nagawa niya ang atensyon ng binata. Saglit na kumunot ang noo nito. "Ang alin?" "Ito. Itong ginagawa mo sa akin. Bakit kailangang maging concern ka sa akin, bakit kailangan mo akong tulungan at iligtas? Hindi ko maintindihan, Luke bakit parang ang halaga ko sa iyo," puno ng pagtatakang tanong niya. "Sino ka ba talaga?" Huminto si Luke at hinarap siya. Seryoso ang mukha nito habang napasok sa bulsa nito ang mga kamay. Saglit itong kumiling bago siya tiningnan sa mga mata. "Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?" Hindi siya sumagot. "Sige, sabihin na lang nating you're part of me, we're connected. You're not just an ordinary human, you're destined to an alpha." Kumunot ang noo niya. Ano'ng ibig sabihin ni Luke sa mga sinabi nito? Destined to an alpha? Sino'ng tinutukoy nito? Imbis na masagot ang tanong niya, mas gumulo pa ang utak at isipi niya pero ang tila kiliti sa puso niya ay nandoon. "A-ano'ng ibig mong sabihin, Luke? H-hindi ko maintindihan," kunot noong aniya. Kumibit-balikat si Luke. "Well, darating din ang panahon na malalaman mo ang totoo," sagot nito. Pumihit ito paharap sa daan at naglakad palayo sa kaniya. Naiwan siyang nakatulala dahil sa magulo niyang isip dahil sa mga sinabi nito. Hindi iyon magawang balewalain ng puso't isip niya lalo't alam niyang may epekto iyon sa nararamdaman niya. Kumurap siya para iwaksi iyon. Hindi na muna niya dapat isipin kung ano'ng ibig sabihin nito dahil may mga bagay siyang dapat alamin. Kumiling siya, saka bumuga ng hangin para kalmahin ang isip niya. Lumingon siya kay Luke at bahagyang malayo na ito sa kaniya. Nang akmang hahakbang na sana siya nang bigla na lang may lumitaw na dalawang lalaki sa harap niya. Nahintatakutan siya dahil alam niyang hindi sila taong katulad niya. Ang mga mata nilang kulay brown na para bang nanlilisik at ang kakayahan nilang makarating sa harap niya ng ganoong kabilis. "Hi, Miss," ani ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. Pakiramdam niya'y huminto ang puso niya sa pagtibok. Nagsimula na ring manginig ang mga paa niya. Sino sila at ano'ng kailangan nila? "L-Luke," mahinang banggit niya sa binata. Napalunok siya ng ilang beses at mahigpit na napakapit sa laylayan ng damit niyang suot. "Ito na ang katapusan mo," sabi naman ng isang lalaki. Mas nagulat siya at nanigas nang makita mismo ng kaniyang mga mata ang biglang pagpalit ng anyo ng dalawang lalaki sa harap nila. Ang kaninang tindig ng mga ito na isang tao, nagbago at naging isang malaking brown na mga taong lobo. Umangil ang mga ito kaya naman napaatras siya. Napaatras siya habang papalapit ang dalawang lobo. Akmang susugod na ang dalawa nang bigla na lang bumagsak si Luke sa harap niya. "A-are you ok?" nag-aalalang tanong nito. "Lumayo ka sa akin," utos nito habang nakatagilid ang ulo. Agad naman niyang ginawa ang sinabi nito. Napalunok siya ng paulit-ulit. Pinakatitigan niya si Luke at katulad ng dalawang lalaki, biglang nagbago ang anyo nito, mula sa gwapo at matipunong katawan, nagkaroon ito ng mga puti na may halong gray na mga balahibo, naging apat ang mga paa at nagkabuntot. Umangil ito sa dalawang lalaki. Napaatras pa siya dahil baka mataman siya ng mga atake. Hindi pa man siya nakakalayo nang makita niyang sumugod ang dalawang lobo kay Luke. Napasigaw siya sa gulat, takot at pag-aalala para sa binata. Dalawang katulad nito ang kaharap nito. Gusto man niyang tumulong pero wala naman siyang magagawa dahil ano'ng laban niya sa mga nilalang na katulad nila? Nakita niyang pumailalim si Luke habang pinagtutulungan ng dalawang iyon. Nagpalitan sila ng mga atake, kagat at karmot ng matitilos nilang mga kuko pero hindi maikakaila ang kakayahan ni Luke sa pakikipaglaban. Rinig niya ang mga ungol dulot ng sakit at ang angilan nila sa isa't isa. Namangha siya nang magawa nitong mapatalbog ang dalawang iyon, saka ito tumayo. Tumalon ang isang lobo at sinalubong ito ni Luke hanggang sa bumagsak ang dalawa at pumailalim ang lalaking iyon. Sinubukan ni Luke na atakihin ito pero nagagawa nitong umilag pero sa huli, nasakmal ni Luke ang leeg nito hanggang sa mawalan ito ng buhay . Mula naman sa likod ni Luke, dumamba ang isa pang kalaban at narinig niya ang ungal nito dahil sa tama ng kuko ng lalaking iyon hanggang sa nagawang maialis ni Luke ang kalaban sa likod nito. Tumalsik ito sa puno at agad na narating ito ni Luke at hindi na nito iyon binigyan ng pagkakataon. Sinakmal nito ang leeg ng lobong iyon hanggang sa mamatay. Pakiramdam niya'y live siyang nanonood ng isang action film at si Luke ang bida roon. Kahit pa paano'y nabawasan ang kaba niya para sa binata at sa kabila ng takot at kaba, hindi pa rin niyang naiwasang hindi mamangha sa kakayahan nitong makipaglaban para lang ipagtanggol siya. Hindi siya sa sanay na makita si Luke sa ganoong anyo kaya napaatras siya ng lumapit ito sa kaniya. Nakatingin pati ang asul nitong mga mata sa kaniya na wari'y nangungusap iyon para sabihin ang gusto nitong sabihin. Narinig niyang ang mahina nitong angil. Kumunot ang noo niya. Tumaas naman ang ulo nito na para bang tumatango. Baka pinapalapit siya nito. Nagdalawang-isip pa siya dahil hindi nga siya sanay na ganito ito. Sino ba namang hindi matatakot sa mas malaki pa sa taong lobo? Kapagkuwa'y dahan-dahan siyang lumapit sa binata kahit ramdam niya ang kaba. Napalunok siya ng tuluyan siyang makalapit sa binata. Hindi niya alam pero napangiti siya nang makita ito ng malapitan. Gusto niyang hawakan ito hanggang sa namalayan na lang niya ang kaniyang mga kamay na tumataas. Bumagsak iyon sa ulo ni Luke at marahan iyong hinimas. Napalawak ang ngiti niya dahil sa malalambot at makakapal nitong balahibo na ang sarap himasin. Nakatingin lang sa kaniya si Luke na para bang amo siya nito na kailangan itong lambingin. Natawa siya dahil doon. Kapagkuwa'y sumeryoso rin siya. "Siya nga pala, salamat sa pagtulo sa akin... ulit," nahihiyang sambit niya. Syempre, hindi naman makakasagot sa kaniya ang binata kaya napanguso siya pero agad din siyang napangiti nang marinig niya ang mahina nitong angil na para bang sumagot sa sinabi niya. Mayamaya pa'y nagulat siya nang umupo si Luke. Kumunot any noo niya at hindi niya alam ang gusto nitong gawin. Hindi naman kasi ito nakakapagsalita. Tumango ang ulo nito. Mas nagtaka lang siya. Nakita rin niyang gumalaw ang buntot nito. "W-what? Seryoso ka, Luke?" gulat na tanong niya ng ma-realize ang gusto nito. Gusto ba nitong sumakay siya sa binata? Mahinang angil lang ang narinig niya rito. Napangiwi na lang siya dahil kahit ano namang sabihin niya, hindi naman ito makakasagot sa kaniya. Hindi man niya alam kung tama ba ang gagawin niya, dahan-dahan siyang lumapit sa katawan nitong nakalapat sa lupa. Napalunok siya at napapikit ng mariin dahil sa kaba. Seryoso ba si Luke? Sasakay siya sa binata. Gumalaw na namana ng buntot nito kaya humawak siya sa katawan nito at dahan-dahang sumampa sa likod ni Luke. Napakapit siya ng mahigpit at sunod-sunod na lumunok. Naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng kaniyang mga binti lalo na nang tumayo ito at nagsimulang maglakad. Noong una'y takot ang nararamdaman niya pero nang masimula nang maglakad ng mabagal ang binata, utay-utay nawala ang kaba niya at naging comfortable sa pagkakasakay sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD