Kabanata V: Warning

1307 Words
HALOS hindi nakatulog si Meteor dahil sa kakaisip sa sinabi ni Luke sa kaniya. Ano'ng ibig sabibin nito sa mga nag-aabang sa pagbabalik niya para kunin siya? Hindi niya alam at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Bakit din gusto nitong iwan niya ang Pulan? Ano'ng alam ni Luke sa misteryong bumabalot sa lugar na ito? Mas lalong nabuhay ang curiosity niya sa pagkatao nito. Alam niyang may kakaiba sa binata na maaaring makatulong sa sa paghahanap niya sa kasagutang hinahanap niya. Bumangon si Meteor sa pagkakahiga dahil hindi magawang mapayapa ng isip niya. Kanina pa siyang pagulong-gulong sa higaan. Ginawa na rin niya ang paraang alam niya para makatulog siya pero hindi iyon umobra sa kaniya. Tumungo siya sa kusina ng bahay. Bumaling siya sa wall clock doon at nakita niyang pasado ala-dos na ng umaga. Napabuntong-hininga siya at nagusot ang mukha. "I need more sleep," daing niya. Kinuha niya ang tubig, saka uminom. Matapos niyang uminom, tumungo siya sa bintana ng sala. Binuksan niya iyon. Sumalubong ang malamig na hangin na yumakap sa kaniya kaya napayakap na rin siya sa sarili. Nagkalat ang dilim sa labas at tanging ang tanglaw mula sa bilog na buwan ang umiilaw sa paligid. Tanaw niya ang ilang kabahayan na lumiliwanag dahil sa kanilang mga ilaw. Hindi niya naiwasang balikan ang masayang nakaraan niya sa Pulan, noong hindi pa magulo ang lahat. No'ng buhay pa ang ama niya. Namulat si Meteor sa masaya at positibong pamilya. Naramdaman niya ang labis na pagmamahal mula sa mga magulang niya, ang protection at sandigan. Nagbago ang lahat nang pumasok ang mga miners at illegal loggers sa Pulan. Pinaglaban ng kaniyang ama ang kalikasan na maaring dahilan ng pagkawala nito. Sa kabila niyon, hindi niya kayang paniwalaan iyon, may misteryo sa pagkamatay nito at iyon ang dapat niyang alamin. Habang seryosong nakatingin siya sa bahaging mapuno, napakurap siya nang biglang may kumaluskos doon. Tila may malaking asong tumalon sa kung saan. Napakurap pa siya nang mapansin ang matang umiilaw kasabay na nakatingin sa kaniya. Ilang ulit siyang kumurap at nawala na ito. Kinabahan at natakot siya pero sa huli'y pinaniwala niya ang sariling, guni-guni lang iyon. Hindi niya alam pero nagsitaasan ang mga balahibo niya kasabay ng pag-ihip ng hangin sa paligid. Kinabahan siya. Pakiramdam niya, may mga matang nagmamasid sa kaniya mula sa kung saan. Dahil sa kakaibang nararamdaman, nagpasiya siyang isara ang bintana at muling bumalik sa pagkakahiga. — "SIGURADO ka ba, Meteor sa gagawin mo? Maraming taga-Pulan ang walang naglalakas-loon na pumunta sa munisipyo para magsumbong. Hindi dahil takot sila, kung 'di dahil alam nilang hindi sila pakikinggan," pigil nu Elma kay Meteor nang sinabi niyang pupunta siya sa Mayor's Office para i-report ang illegal na pagmimina at pagpuputol ng puno sa Pulan. Nasapo niya ang noo. "Ano'ng gusto mo, Elma, hayaan nating abusuhin nila ang kagubatan? Sila ang dapat pumuprotekta sa kalikasan, bakit sila pa ang sumisira niyon? Kung hindi sila makikinig at aaksyon, dadalhin ko ito sa mas mataas na kinauukulan," matapang at madiing aniya. Hindi niya kayang magwalang-kibo na lang sa lahat ng nakikita niya. "And do you think, pakikinggan ka nila? Hindi ito ang panahon para maging matapang ka, Meteor. Hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo, huh? Kapag hindi mo na-control 'yan, sa hukay ka dadalhin ng tapang na pinapakita mo sa kanila." Kapwa sila napalingon ni Elma sa nagsalita at nakita nila si Luke. Nagtaka ang kaibigan niya kung bakit kilala siya nito. Nakapamulsa si Luke habang nakakunot ang noo dahil sa sinag ng araw. Patungo na sana sila sa saksayan para pumunta sa munisipyo. Suminghap siya dahil hindi niya maintindihan ang mga taong tila ba walang magawa. "At ano'ng gusto mong gawin ko, Luke, hayaan na lang na abusin nila ang kalikasan?" giit niya. Seryoso siyang tiningnan ni Luke na may hatid sa kaniyang kakaibang pakiramdam. "At sa tingin mo gusto ng mga tao ang nakikita nila? They don't, Meteor pero they choose to stop involving themselves dahil alam nila ang pwedeng mangyari." "Pero paano ang susunod na—" "Please, Meteor stop being stubborn. You can't do whatever you want to do here in Pulan. Hindi basta-bastang tao ang gusto mong banggain. This is not the right time to fight," patuloy nito na para bang alam nito ang mangyayari. Ngumisi siya. "Hindi ito ang tamang panahon? Kailan pa? Kapag ubos na ang lupa at kahoy sa kagubatan ng Pulan? Luke, hindi iyon—" "I want you to stop doing this. Marami ka pang hindi nalalaman sa Pulan at sa pagkatao mo, ng mga taong gusto mong kalabanin," makahulugang sambit nito na nagpatigagal sa kaniya. Ano'ng ibig sabibin ni Luke sa sinabi nito? Ano'ng katauhan ang dapat niyang malaman? "A-ano'ng ibig mong sabihin?" usisa niya. "Ah-eh! Magkakilala na pala kayo?" sabat naman ni Elma. Alangan itong ngumiti at iwas ang tingin sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon para may iba ka pang kakilala sa Pulan." "I know here for a long time, Elma." Hindi siya nakaimik. Huminto sa pagproseso ang utak niya dahil sa mga narinig niya na bumuhay sa kuryusidad niya. Ano'ng nalalaman ni Luke sa pagkatao niya, sa misteryong nangyayari sa Pulan? Sino ba siya? "Tama si Luke, Meteor, mas mabuting huwag mo nang ituloy ang binabalak mo dahil wala ring mangyayari at mapapahamak ka pa," pagsang-ayon ni Elma sa sinabi ng binata. Hindi na siya umimik. Baka marahil kailangan niyang sundin ang mga sinabi ni Luke. Kailangan niyang kumilos ng tahimik at kung pupunta siya sa Mayor's Office, maaaring malaman ng mga ito ang pakay niya at kung nasaan siyang panig. "Hindi ka pwedeng mapahamak, Meteor. Puprotektahan kita hanggang sa kaya ko." Tumalikod na ito at naglakad palayo sa kaniya. Naiwan siyang nakaawang ang bibig at nakatulala. Puprotektahan siya nito? Paano? Bakit? Hindi nga niya lubos na kilala ang binata at ang pakay nito sa kaniya. "Hey! Are you ok? Natulala ka na." Napapitlas siya at kumurap nang marinig ang sabi ni Elma, bahagya pa siya nitong kinulbit. Dahan-dahan niya itong hinarap. "Naguguluhan na ako sa mga naririnig ko, Elma." Seryoso lang ang mukha niya. "Sino si Luke? Ano'ng kinalaman niya sa lahat ng nangyayari sa Pulan? Sa pagkatao ko?" Saglit siyang tiningnan ni Elma, saka ito bahagyang yumuko. "Lahat kami'y naguguluhan sa nangyayari sa Pulan, Meteor pero pinipili naming manahimik para sa tahimik na buhay at sa kaligtasan ng mga buhay namin," malungkot na pagtatapat ni Elma. "Pero teka, bakit mo tinatanong ang tungkol kay Luke?" Nagsimulang ngumiti ang mga labi niyo. "Type mo ba siya? Interested ka sa kaniya, 'no?" pangtutudyo nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya at agad na bumakas ang pagtanggi roon. "Of course not, Elma. Masyado lang akong nahihiwagahan sa pagkatao niya. Alam kong may alam siya na pwdeng makatulong sa akin." Nagsimula na silang maglakad pauwi dahil nagbago na ang isip niya. "Well, tama ka naman. Napakamisteryo niyang lalaki. Sa pagkakaalam ko, he's single." Natawa ito kaya natawa na rin siya dahil parang may balak itong asarin sa kaniya ang binata. "Pero seryoso, ang pagkakaalam ng marami, he's living alone. Bali-balita na namatay na ang mga magulang niya pero sa kabila niyon, palagi pa rin siyang tumutulong sa mga tao sa Barangay Pulan." Ngumiti ito na halata ang paghanga sa binata. "He's alone? Bago lang ba siya sa Pulan? I've never seen him here no'ng nandito pa kami." Kumibit-balikat si Elma. "After niyong umalis, doon naman dumating si Luke sa Pulan. Kilala siya ng lahat na mabait pero misteryosong lalaki." Tumango-tango siya habang nakatingin sa dinaanan ng binata na malayo na sa kanila. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa binata base sa mga sinabi ni Elma. May mga tao pa rin pa lang handang tumulong sa Barangay na iyon sa kabila ng maraming misteryong bagay ang nangyayari roon. Ano'ng meron kay Luke, bakit parang binuhay nito ang curiosity at kagustuhan niyang makilala ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD