Chapter XI Chriden Miguel Point of View "Kuya gising na! Kuya!" Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ng kapatid ko habang niyuyugyog niya ako. Sabado nga pala ngayon. Walang pasok. Baliktad talaga tong kapatid ko. Kapag may pasok, tanghali na palagi nagigising, kapag wala naman pasok mas nauuna pa samin ni Mama magising. May sayad ata itong kapatid ko eh. "Bunso wala naman pasok kaya hayaan mo muna matulog si Kuya..." Ungot ko sa kanya. "Eh Kuya kanina pa kasi nag-aantay si Kuya Mark sa ibaba kaya ginising na kita" Bigla akong napabangon nung marinig ko yun sa kapatid ko. Wala naman kaming usapan ni Mark na aalis ah. Kaagad bumaba ang kapatid ko nung nakita na nya akong bumangon mula sa higaan. Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako bumaba Tumingin a

