Final Chapter Chriden Miguel Point of View Ilang araw narin ang lumipas mula nung dinala ako ni Luis sa Bicol. Pumunta din kami sa bahay ng Lolo niya at nakipagkwentuhan. Ganon parin si Lolo - nakakatakot parin pero mabait. Feel at home nga ako dun eh. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa nalaman ko. Flashback 1.0 "Oh nag-enjoy ba kayo sa pamamasyal sa farm?" Nakangiting salubong samin ni Lolo. Sinama kasi ako ni Luis sa paglilibot. Alam ko naman na ginagawa niya lang iyon para maging okay ang lungkot na nararamdaman ko. "Opo Lo. Niyayakag ko nga po si Den dun sa batis - para makapagrelax relax ng kaunti" ngiting sagot naman ni Luis. Napuntahan ko na yung batis dati. Ayy aksidente ko lang palang napuntahan. Nahulog kase ako at di sinasadyang dun ako lumagpak.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


