Chapter Four: I Made a Plan

1837 Words
NAKAHIGA lang ako buong maghapon. Tinatawagan ako ni Bliz pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, nakailang missed calls na siya pero kahit isa ro'n ay hindi ko nagawang sagutin. Alam ko naman ang sasabihin at itatanong niya sa akin. Alam ko naman na sasabihin niyang tama siya at ipapamukha niyang mali ako. Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ako ni Mageline. Ibibigay ko naman ang lahat sa kaniya basta pakasalan niya lang ako, kahit lokohin niya pa ako, okay lang sa akin basta nasa tabi ko siya. Okay lang sa akin na magmukhang tanga basta gumising lang ako na siya ang unang masisilayan ko sa bawat darating na umaga. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Mageline pero hindi niya man lang 'to nagawang sagutin. Inulit ko 'yon nang ilang beses ngunit gano'n pa rin, wala pa ring sumasagot. Nawalan na ako ng pag-asa, akmang papatayin ko na sana ang tawag nang makita ko sa screen ang mga numero. Sa wakas, sinagot niya na rin. “Mageline, let's talk. Please,” bungad ko sa kaniya. Walang sumagot at buntong hininga lang ang tanging naririnig ko. “Hey, are you still mad at me?” tanong ko sa kaniya dahil kilala ko siya, alam kong nagalit siya nang dahil sa ginawa ko. “Wala si Mageline dito. Iniwan niya itong cellphone niya at may nakita akong tumatawag so, sinagot ko. Si Zayra 'to.” Nang marinig ko ang boses ng kaibigan ni Mageline na si Zayra, nakaramdam ako ng lungkot. Papatayin ko na sana ang tawag nang may naisip akong bigla. Nakaisip ako ng isang plano. “Puwede ka ba makipagkita sa akin?” I asked her. Gusto ko siyang makausap dahil may biglang pumasok na plano sa isipan ko. “For what?” nagtatakang tanong niya sa akin. Ramdam ko ang kaba niya sa 'di malamang dahilan. Rinig na rinig ko kung paano siya magpakawala ng sunod-sunod na mabibigat na paghinga. “It would be my pleasure if you would join me for dinner tonight.” Ngumiti ako nang malawak. Sana lang ay pumayag siya dahil kailangan ko siya sa mga planong naisip ko. Kailangan ko siya upang maisakatuparan ang lahat ng iyon. “Sure. What time?” aniya na ikinangiti ko. Nag-isip muna ako bago ko siya sagutin. “6:00 PM. Punta ka na lang dito,” I said to her bago ko ibaba ang tawag. Wala na akong narinig na kung ano pa mula sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, sobrang lungkot pero nang marinig ko ang pagpayag ni Zayra na puntahan ako, nakaramdam ako ng galak. Ang plano ko'y gamitin siya, tutal kaibigan niya naman si Mageline, magpapatulong ako sa kaniya para bumalik si Mageline sa akin. Hindi ako papayag na mapunta siya sa lalaking 'yon. Hindi ko nga kilala kung sino ba 'yon. Ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya dahil mahal na mahal ko siya. Kahit isipin ng iba na napakatanga ko, wala akong pakialam dahil si Mageline ang buhay ko. 5:30 PM na at naghahanda na ako para sa pagdating ni Zayra rito sa bahay. Nagluto ako ng mga pagkain at inihain ang lahat ng 'yon sa lamesa. Sa pamamagitan ng mga ito'y mararamdaman niyang sincere ako. Sisiguraduhin kong mapapapayag ko siya. Napahinto ako sa ginagawa ko nang makita ko ang cellphone kong nag-ri-ring. Si Bliz ang tumatawag, wala na sana akong balak na sagutin pero mukhang importante kaya wala akong nagawa. Itinapat ko ang cellphone sa aking tainga. Bliz asked me, “How are you? Nag-aalala na ako. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa 'yo.” Natawa akong bigla, 'yan ang bungad niya samantalang alam niya naman na hindi ako maayos. What a question. “I am mad at her. But I'm fine, don't worry about me. I'm always fine. Palagi naman akong maayos, 'di ba?” I answered to him. Bakas sa boses ko ang pagkairita at alam kong nahahalata niya na 'yon. Huminga siya nang malalim bago magsalitang muli. “Marami pa naman diyan. Mas okay kaysa kay Mageline.” Narindi ako sa narinig ko mula sa kaniya. Walang anu-ano'y nahampas ko nang napakalakas ang lamesa. “What are you trying to say? Bye. Ayaw ko nang makinig pa,” sambit ko bago ko ibaba ang tawag. Hindi ko na siya pinakinggan dahil alam kong uulitin na naman niya ang palagi niyang sinasabi sa akin. Ako na naman ang mali, right. Mayamaya'y narinig ko ang tunog ng doorbell kaya naman agad kong sinenyasan ang isa sa katulong namin na buksan ang gate at papasukin ang taong nagpindot n'on. “Hey,” bungad ni Zayra nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay. Lumapit ako sa kaniya at iginiya ko siya patungo sa hapag-kainan. In-offer ko sa kaniya ang isang upuan at umupo rin siya ro'n. She's wearing a black dress, bagay sa kaniya dahil sa maputi niyang balat, mas lalo pang tumitingkad ang kulay niya kapag nakaitim siya. “Lagi kang naka-black,” natatawang sambit ko sa kaniya. Agad akong napahinto sa pagtawa nang makita ko siyang nakatitig sa akin, sumilay na naman ang kulay asul na mga mata niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may lahi siya. “None of your business. I know na nagtataka ka kung bakit lagi akong nakaitim at kung bakit kulay asul ang mga mata ko. Nababasa ko ang iniisip mo.” Napanganga ako sa sinabi niya. Paano naman niya nalaman na iniisip ko ang bagay na 'yon? Obvious na obvious ba talaga sa akin? Napatingin ako sa kung saan at napalunok nang mariin. “Bakit naman kita iisipin?” pangangatuwiran ko dahil nabalot ako bigla ng hiya. Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at tinitigan akong muli sa mga mata. Natutunaw ako sa mga tinginan niya, hindi ko kayang matagalan ang bagay na 'to. “So, anong pag-uusapan natin?” pag-iiba niya ng usapan dahilan para makahinga ako nang maayos. Mabuti na lang at iniba niya ang topic dahil halos tabunan ko na ang sarili ko ng mga lupa. “I want her back and I want you to help me dahil kaibigan mo siya. Alam mo kung ano ang mga gusto at ang mga ayaw niya. So, I need you,” saad ko na mukhang hindi niya nagustuhan. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko pero kailangan ko siyang mapapayag. Kahit magalit siya ay titiisin ko, kahit bulyawan niya pa ako. Kailangan ko siyang mapa-oo. Kailangang-kailangan ko siya. “Tinanggihan ka na nga niya, e. Hindi pa ba sapat 'yon? Tanga ka ba? O nagbubulag-bulagan?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya kaya hinampas ko ang lamesa nang napakalakas at napatayo ako. Hindi man lang nag-iba ang reaksyon niya, hindi man lang siya nagulat dahil sa aking ginawa. “I will pay you,” seryoso kong sabi. Tiningnan niya ako, mukhang pinag-iisipan niya pa ang offer ko. “I don't need your money,” she answered. Nabigla ako sa sinabi niya, hindi ko inasahang tatanggihan niya ang offer ko na pera sa kaniya. Napabuntong hininga ako, mukhang alam ko na kung ano ang gusto niya. “Please, help me.” Pinaamo ko ang mukha ko at tinitigan ko siya sa mga mata. Kahit ayaw kong magmakaawa'y wala na akong nagawa. Kailangan ko siya. “Okay. Magkita tayo bukas at akin na 'yang phone mo.” Napangiti ako nang mapapayag ko siya. Halos hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. I gave my phone and she saved her own number. “Alis na ako.” Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang kamay niya. “Hatid na kita.” Ngumiti lang siya at hindi niya na ako pinasunod pa. Mayamaya'y tuluyan na siyang nawala sa aking paningin, ni anino niya'y hindi ko na maaninag pa. Masaya ako dahil napapayag ko siya. Sisiguraduhin ko na mapupunta sa akin si Mageline. I really love her. Gagawin ko ng lahat kahit na magmukha pa akong desperado. Ilang minuto akong nakaupo at nakangiti sa kawalan. Mayamaya'y may nag-text sa akin. Binuksan ko 'yon at nakita kong si Zayra ang nag-text sa akin. “Wala bang thank you?” Natawa ako nang mabasa ko ang message niya. Nag-type ako at agad na isinend sa kaniya. “Thank you.” Pinalinis ko na sa mga katulong ang kalat at umakyat na ako sa aking kuwarto. Gusto ko nang magpahinga. Nang makaayat na ako'y hindi ko nagawang ipikit ang mga mata ko kaya naisipan kong maghalungkat ng mga gamit hanggang sa nakita ko ang box na may laman na mga litrato namin ni Mageline na magkasama. Kinuha ko 'yong picture kung saan nasa America kami. Ang saya niya sa picture na 'to pero hindi ko talaga makita-kita sa mata niya na masaya siya dahil kasama ako. Nakaramdam ako ng lungkot, bakit ba naman kasi hindi niya ako magawa-gawang mahalin? Pagkatapos ko titigan ang lahat ay ibinalik ko na ito sa box. Maayos ang pagkakalagay ko dahil iniingatan ko talaga 'yong mga litrato na 'yon. Napaupo ako sa kama. Hindi ko maiwasang isipin na, matagal na kami at sa isang iglap lamang ay nawala ang tinatawag kong kami. Hiniwalayan niya ako sa saktong third aniversary pa namin. Nakatatawang isipin na ipinagpalit niya ako sa lalaking hindi man lang siya magawang ipagmalaki. Nakatatawa rin na naiwan ako dahil hindi niya ako nagawang mahalin sa sobrang tagal ng pinagsamahan namin. Naiisip ko tuloy na, siguro, mahirap talaga akong mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD