GUMALAW si King Zacharias para yakapin sana ang katabi pero agad na kumunot ang noo niya nang wala na ito sa tabi niya. Nagmulat siya ng mga mata at kaagad siyang napabangon nang makitang wala na nga sa kaniyang tabi si Katharina. “Wife?” tawag niya at tuluyan ng bumangon. Nang sulyapan niya ang maliit na alarm clock sa ibabaw ng bedside table ay mag-aalas-sais pa lang ng umaga. Bumaba siya sa kanilang kama at tinungo ang banyo at baka naroon lang si Katharina. “Wife?” tawag niya ulit at bahagyang binuksan ang pinto ng banyo at sumilip siya sa loob pero wala rin doon ang asawa niya kaya agad siyang kinabahan. Bumalik siya sa may kama at agad dinampot niya ang kaniyang phone na nasa ibabaw ng bedside table. Agad niyang dinayal ang numero ng kaniyang asawa pero hindi naman niya ito makont

