Chapter 29

1810 Words

NAKITA ni Katharina kung paano kumunot ang makinis na noo ng boss niyang si Zach sa sinabi niya. “Who’s Aurora?” tanong nito, hindi pa rin nawala ang pagkakakunot ng noo nito. His eyes narrowed and his lips formed into a thin line. Napalunok siya at ang puso niyang kanina pa tumatambol sa kaba ay mas lalong lumakas. Gusto siya nitong makilala at kaya hahayaan niyang makilala siya nito. Wala na siyang pakialam kung malaman nito ang tunay na siya at kung sino siya. Pero hindi niya hahayaang malaman nito na may anak ito kay Claire at nasa kaniya ang bata. Hindi pa siya handa na mawala sa kaniya si Aurora at hindi rin naman siya sigurado kung kaya ba nitong akuin ang responsibilidad sa anak nito. Paano kung itanggi nito si Aurora? Lalo pa at sa pagkakaalam nito ay pinalaglag ni Claire an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD