Chapter 3

2239 Words
"MA’AM RINA?" Natigil sa ginagawa si Katharina at agad na napaangat ang paningin niya mula sa screen ng kaniyang computer sa taong tumawag sa pangalang nakasanayan ng itawag sa kaniya ng mga co-employee niya rito sa KZ Airlines. Kasalukuyan kasi siyang gumagawa ng Prezi Presentation para sa meeting ng boss niya mamayang hapon. "Yes Alvin, may kailangan ka ba sa boss natin?" tanong niya sa lalaki. Nahihiyang tumango naman ito sa kaniya at napansin naman niya ang hawak-hawak nitong itim na folder. "Pinapapasa kasi niya ito sa kaniya," anito at itinaas ang folder na hawak nito. Mukhang pinapa-report na ng boss niya ang taga-finance department. "Kakailanganin na ba niya iyan? May bisita pa kasi siya," aniya at napatingin sa pintuan ng opisina ng boss nila. Pero bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa ang mga pinsan ni boss Zach na nagtatawanan. Mukhang tapos na yata ang meeting ng mga ito. "Oh! Okay na pala. Pumasok ka na lang, Alvin," pagbibigay permiso niya sa lalaki at ibinaling ulit ang tingin dito. Pero agad kumunot ang noo niya nang makita niyang nakatulala na si Alvin na nakatingin sa mga boss nila. Bahagya pang nakabuka ang bibig nito na para bang nakakita ito ng diyos na bumaba galing sa mount olympus. Well, she can't blame him, though. Ang gagwapo rin naman kasi ng magpipinsang nasa harap nito ngayon. They are breathtakingly gorgeous and at the same time intimidating. Kahit nga siya na laging nakakaharap ang mga ito kapag pumupunta ang mga ito rito sa opisina ni Sir Zach, nai-intimidate pa rin siya. Kaya hindi talaga niya masisisi si Alvin kung matulala na lang ito bigla. Tatawagin na sana niya ito ulit nang tumikhim si Sir Reid, kaya agad na natauhan si Alvin. Mabilis itong yumukod at bumati sa mga amo. "G-Good day, Sirs," nauutal na bati nito, namumula ang mukha. Holy s**t! Is he blushing? Agad naman itong nagpaalam at nagmamadali nang naglakad papunta sa opisina ni boss Zach. Manghang sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng opisina ni boss Zach. "Hindi ka ba niya pinapahirapan dito sa trabaho?" Sir Reid asked, kaya agad nabaling ang tingin niya rito. "Hindi naman po, Sir," sagot niya. Kahit ang totoo ay sobra pa sa pagpapahirap ang ginagawa ni boss Zach sa kaniya. Pero nasanay na siya kaya hindi na iyon masyadong big deal sa kaniya. "Just tell me, milady, kung pinahihirapan ka niya at ililipat kita sa condo-este sa company ko." Nakangising sabat ni Atty. North. The three men chuckled. Sinamaan naman ng tingin ni Sir Reid si Attorney North. Kung may mas malapit man sa kaniya sa magpipinsang De Sandiego ay si Sir Reid iyon. Nagkakakilala sila nito sa Mindoro, nang minsang isinama siya ng Mommy niya roon para dumalo sa kaarawan ng kaibigan nito, na siyang Mommy ni Sir Reid. That was years ago, nang hindi pa siya naglayas. Hindi nga niya inakala na makikilala pa siya ni Sir Reid nang unang makita siya nito rito sa opisina ni boss Zach, isang linggo matapos siyang mai-hire bilang kapalit ni Ma'am Sandra na dating secretary ni boss Zach. “Pasensya na, Attorney, pero wala po akong alam sa mga legal papers kapag nagkataon.” Nahihiyang aniya sa lalaki at kimi itong nginitian. “Well, I am not going to hand you something legal, if you want you can be my legal wi—" “North Hadrianus.” Malamig na boses ni boss Zach ang pumutol sa sasabihin pa sana ni Atty. North sa kaniya. Bahagya pa siyang napaigtad at biglang kinabahan nang huminto si boss Zach sa gilid ng upuan niya. Napatingin pa siya sa kamay nito nang humawak iyon sa likod ng kaniyang office chair. "Oh, hi brute,” ani Atty. North. Hindi man lang natakot sa ipinapakitang hitsura ni boss Zach. “Ah, we’re going, Zach,” paalam Sir Reid. Lumapit ito kay Attorney North at inakbayan ang abogado at sapilitang pinasabay nito sa paglalakad. "Pag-isipan mo iyong sinabi ko sa ’yo, Katharina." Hirit pa ni Atty. North sa kaniya bago ito tuluyang umalis. Napailing na lang siya at hinatid pa niya ang mga ito ng tingin hanggang sa makapasok ang mga ito sa private lift ng mga ito. “If you don't want to be a hooker, stop flirting with him.” Narinig niyang malamig na sabi ni boss Zach sa kaniya na ikinatigagal niya. Huli na ng matauhan siya dahil wala na ang lalaki sa harap niya at nakapasok na ito ulit sa opisina nito. Hooker? Siya? Damn that brute! Never in her wildest dream na magiging kabit siya! And do I look like flirting with his cousin? "Just tell your boss, I need him here! Get out now!" Napapitlag siya nang marinig niya ang sigaw ni boss Zach. Goodness! Ano na naman kaya ang problema sa report ng mga taga-finance? Nakita niyang bumukas ulit ang pinto ng opisina ni boss Zach at iniluwa niyon ang namumutlang si Alvin na tila natatarantang nagtungo sa elevator para siguro puntahan nito si Mr. Sebastian. Ngunit bago pa man ito makapasok sa loob ng elevator, tinawag na niya ito. "Alvin, ‘wag ka ng bumaba. Tatawagan ko na lang si Mr. Sebastian," aniya. Dinampot niya ang intercom at idinayal ang number ng finance department. "Mr. Sebastian, kailangan niyo pong pumunta sa office ni President. ASAP." sabi niya nang sagutin ng lalaki ang tawag niya. Hindi na rin niya hinintay na makasagot si Mr. Sebastian sa kabilang linya at kaagad na rin niyang ibinaba ang intercom. Nakatayo pa rin si Alvin malapit sa may elevator at parang hindi mapakali at kahit may kalayuan ito sa kaniya ay alam niyang pinagpapawisan na ito sa sobrang kaba. Dinampot niya ang mineral water na nasa ibabaw ng mesa niya at tumayo para lapitan ito. "Alvin, relax." aniya rito para pakalmahin ito. Iniabot din niya rito ang bitbit niyang mineral water. "What are you doing, Miss Herera?!" Napaigtad siya nang marinig niya ang galit na boses ni boss Zach. Mabilis siyang lumingon at nakita niya ang lalaki na masama ang awra habang naglakad palapit sa kanila at ang matatalim nitong mga mata ay nasa kay Alvin nakatuon. He looks dangerous yet so handsome on his black business suit. Hindi mahilig ang lalaki na magsuot ng necktie at basta na lang nitong hinahayaang nakabukas ang dalawang butones doon. "I told you to call your boss and yet you are still here. You're fi—" "He's here any minute, Boss. Tinawagan ko na po," putol kaagad niya rito, bago pa man nito mabanggit ang famous line nitong you are fired. Mas lalong kumunot ang noo ng boss niya at agad nalipat ang naniningkit nitong mga mata sa kaniya. Napalunok siya pero nilakasan pa rin niya ang loob na magsalita. "May intercom naman po kasi, Boss, kaya hindi na po kailangan ni Alvin na bumaba doon para tawagin si Mr. Sebastian,” paliwanag niya sa mahinahon na boses. Napakawala naman talaga iyong sense kung bababa pa si Alvin doon sa department nito kung may intercom naman. Matalim nitong tiningnan ulit si Alvin, and the man was fidgeting. Pakiramdam niya, isang singhal na lang ni boss Zach sa lalaki ay maiihi na ito sa salawal nito. “S-Sir, I’m sorry—" "And who are you to do that?” galit na baling ni boss Zach sa kaniya. “You're my secretary and not for anyone else, Miss Herrera." Napangiwi na lang siya at kumuyom ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Bago pa siya nakapagsalita ay hinarap na naman nito si Alvin. Particularly sa mineral water na binigay niya sa huli. Ano ba'ng problema nito? "Exactly, Boss. Kaya nagkusa na akong tawagan dahil ayaw kong may masesesanti na naman dahil sa 'incompetent employee' mong dahilan." Lakas loob niyang sabi rito, at in-emphasize pa niya ang madalas nitong ipamukha sa mga senisesanting empleyado nito. Totoo naman talaga kapag matagalan si Alvin ay mas lalo itong magagalit at baka sesante ang aabutin ng lalaki at sabihang incompetent employee. "You, and your smart mouth, Miss Herrera." Nanlaki ang mga mata niya nang balingan siya nito ng tingin at matiim siya nitong tinititigan particularly sa mga labi niya at unti-unting lumapit ito sa kaniya. Goodness hahalikan ba siya nito, sa harapan ni Alvin? "That lips of yours need my punishment, Miss Herrera." Goodness! No way! Hiyaw ng isip niya. Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kaniya. Pero bago pa man siya nito maabot nang bumukas ang elevator kaya sabay silang tatlo na napatingin doon at nakita nilang iniluwa n’yon si Mr. Sebastian. Gusto tuloy niyang palakpakan at ilibre ng pamasahe si Mr. Sebastian. Save by the bell, ika nga. "Good day, Sir De Sandiego," anito na parang kinakabahan. King Zacharias De Sandiego screams power and authority. His looks very intimidating and at the same time very dangerous man when he is mad. Manganganib talaga ang career mong matagal mo ng pinaghirapan at inaalagaan kapag ginalit mo ito. Hindi natinag si boss Zach. Ang mga mata ay nakatitig pa rin sa kaniya. Napatanga na lang siya nang dumukwang ito sa kaniya. "We're not yet done, Katharina. Prepare my punishment later," bulong nito malapit sa may taenga niya. Pagkatapos ay tumuwid ito sa pagkakatayo at walang kangiti-ngiting tiningnan sina Alvin at Mr. Sebastian. "You two in my office." saka naglakad pabalik sa opisina nito. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya. Ang lakas din ng t***k ng puso niya sa sobrang kaba sa maaari nitong gawin kanina kung hindi pa dumating si Mr. Sebastian. Bumuga siya ng hangin at bumalik sa kaniyang desk. Naupo siya sa kaniyang swivel chair at ipinagpatuloy ang paggawa ng presentation na naudlot dahil kay Alvin. Pero nadi-distract naman siya kapag naiisip niya ang huling sinabi sa kaniya kanina ni Zach. She felt nervous sa parusang sinasabi nito but at the same time she’s in awe. First time kasi na tinawag siya ni boss Zach sa pangalan niya at nagdulot iyon ng matinding kasiyahan sa puso niya. Ilang saglit pa ay nakakaramdam siya ng pagkalam ng kaniyang sikmura, hindi na kasi siya nakakain kanina sa sobrang pagmamadali. Wala sa sariling napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. 30 minutes pa bago ang out niya. Nag-stretch siya at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Ilang saglit pa ay nakita niyang bumukas ulit ang pintuan ng opisina ni boss Zach at iniluwa n’yon sina Mr. Sebastian at Alvin. Mukhang hindi naman ito nasesante dahil mukhang maaliwalas naman ang mga hitsura ng mga ito. "Ma'am Rina, thank you." Ani Alvin nang huminto ang mga ito sa mesa niya. Kumikislap ang mga mata nito sa tuwa kaya alam niyang safe pa ang mga career ng mga ito. Napangiti siya. "Wala iyon at saka tawagin mo na lang akong Rina. ‘Wag mo na akong i-ma'am." bulong niya sa huling sinabi niya. Sila lang naman ang narito sa floor maliban sa boss nilang parang pinaglihi sa sama ng loob pero mahirap na at baka marinig pa sila. "Ay sige bet ko 'yan." Ani Alvin na biglang nag-iba ang boses. Mula sa baritonong boses kanina ay bigla na lang itong naging mahinhin. Kumunot ang noo niya pero agad ding nanlalaki ang mga mata niya nang may mapagtanto tungkol sa lalaki. "You're—you're a gay!" Mahinang bulalas niya na ikinangiti ng dalawang kaharap niya. "Actually, we are," sabi ni Mr. Sebastian kaya napanganga siya. Sino ba naman kasing maniniwala na binabae pala ang mga ito kung pagbabasehan ang mga guwapo nitong hitsura at ang maskuladong katawan ng mga ito. Papasa nga ang mga ito kung mag-apply ito bilang modelo ng mga sikat na modelling agency. "Oh my God!" Hindi makapaniwalang bulalas niya at napatakip pa siya sa kaniyang bibig para pigilan ang mapasinghap ng malakas. Sa ilang buwan niya rito ay ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon para kausapin ang dalawa. Kaya ba namumula si Alvin kanina nang makaharap ang mga pinsan ni boss Zach? "Ay Rin, puwede ka ba naming ma-invite ng lunch? Treat ko, pasasalamat ko sa 'yo sa pagligtas mo sa 'kin kanina sa muntik ng pagsesante sa 'kin ni Mr. President." ani Alvin na ikinatango-tango naman ni Mr. Sebastian. “Oo, nga Miss Herrera.” Pero bago pa man siya nakasagot ay ang dumadagundong na naman na boses ni boss Zach ang narinig nila. "She's going with me, so you two just f*****g go down before I would fire you two!" Bahagya pa siyang napapitlag sa kinauupuan niya sa pagsigaw nito. Galit na naman ito? Bipolar talaga itong boss nila. Daig pa nito ang babaeng may regla at nagmo-mood swings. Kanina pa ito sumisigaw, hindi pa ba ito namamaos? "S-Sorry po, Mr. President. Si-sige po, Rin, n-next time na lang." Ani Alvin sa lalaking-lalaki na boses. Bago pa man siya nakatango ay nagmamadaling tumalikod na ang dalawa. "Fix yourself. We're going." Utos ni boss Zach sa kaniya. "Ha? Saan?" nagtatakang tanong niya. Pero hindi siya nito sinagot sa halip ay inuorasan siya nito. "Five seconds. One... two..." he counted while staring at her intently. Natataranta naman niyang agad na inayos ang desk niya at sinave ang presentation niya at mabilis pinatay ang computer. "Five." Pagkasabi nito ay mabilis nitong hinawakan ang wrist niya at kinaladkad na siya papasok sa private lift nito. Wala naman siyang magawa. Hindi naman siya puwedeng magreklamo at baka masesante siya. Pero saan naman kaya siya nito dadalhin? Gutom pa naman siya. Sana lang may pagkain sa pupuntahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD