TULALA si Katharina habang nakaupo siya sa mahabang sofa rito sa living room. Kanina pa siya nakalabas mula sa silid ni Zach at hindi niya matapos-tapos ang paglilinis dahil binabagabag talaga siya sa nakita niyang litrato.
Napakaamo ng mukha nang babae, napakagwapo rin ng batang kasama ng mga ito sa litrato at nakasisiguro siyang anak ng dalawa ang bata dahil kamukhang-kamukha ito ni Zach.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang biglang sumikip iyon. Ipinikit niya ang mga mata para pakalmahin ang sarili.
Kahit gaano niya pa pigilan ang sarili na ‘wag mahalin ang lalaki dahil hindi pa ito tapos magmahal ng ibang babae pero wala, tinatalo pa rin siya ng kahibangan niya.
At ang pinakamasakit ay sa bawat gabing ginagamit ni boss Zach ang katawan niya ay may kabayaran iyon at kulang pa iyon para sa operasyon ng anak niya kaya kailangan niya munang magtiis.
Napakurap siya at kaagad napatingin sa pintuan nang tumunog ang doorbell.
Tumayo siya at agad tinungo ang pintuan para pagbuksan ang taong nasa labas. Pagkabukas niya ay agad bumungad sa kaniya ang isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket.
Hindi naman ito mukhang nakakatakot dahil sa totoo lang ay guwapo ito, matangkad at matipuno ang katawan dahil sa hinayaan lang nitong nakabukas ang zipper ng leather jacket nito at hapit sa katawan nito ang kulay gray na V-neck tshirt na naka-tucked in sa suot nitong jeans.
He looks like a playboy with a rock star outfit. Wala nga lang itong gold or silver chain na nakasabit sa leeg nito, kagaya ng nakikita niya madalas sa palabas sa television.
“So, did I pass?” tanong nito sa kaniya kaya agad siyang napakurap at nag-iinit ang pisnging ibinalik niya ang tingin sa mukha ng lalaki.
There’s a mischievous smirked form on his thin lips. Mahina pa siyang napasinghap nang magtama ang mga mata nila ng lalaki at kagaya ng kay boss Zach ay kulay gray rin ang mga mata ng lalaki.
Napatikhim siya. "Sino po sila?" tanong niya at sinadya pa niyang pakunutin ang kaniyang noo para pagtakpan ang kahihiyang ginawa niya sa lalaki kanina.
"You must be Katharina Herrera,” anito sa halip na sagutin ang tanong niya.
“You know me?” gulat na tanong niya sa lalaki.
The man smirked. “Of course, you’re my cousin’s secretary, right?”
She blinked her eyes several times. Bahagya pang umawang ang bibig niya. That explain why his eyes were like boss Zach eyes. Magpinsan pala ang mga ito. Trademark na kasi iyon ng mga De Sandiego. Sa ilang mga pinsan ng boss niya na nakilala na niya, lahat sila ay kulay gray ang mga mata.
Isang Irish kasi ang lolo ng mga ito na nakapangasawa ng half Pilipina-half Finnish.
“Uh… y-yes—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang makita niyang bumukas ang lift sa palapag na itong at iniluwa n'yon si boss Zach.
Her breathed hitched when their eyes met. Pero saglit lang din dahil nalipay ang tingin nito sa lalaking kausap niya.
"Zephieru? What are you doing here?" kunot ang noong tanong ni boss Zach sa lalaki, nang tuluyan na itong makalapit sa kanila.
Boss Zach was wearing his usual outfit. A gray fitted button-down long sleeve and was folded up to his elbow. It was tucked with a pair of black jeans.
“Hey, brute,” sabi noong Zephieru kay boss Zach at nagbigay pa ng manly hug ang lalaki sa boss niya. “Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ko ba nasabing nag-leave ako sa trabaho?” sabi pa ng lalaki at natatawang tinapik pa nito sa balikat si boss Zach.
“Uh, yeah,” ani ni boss Zach, at napakamot pa sa batok nito at bahagyang ngumiti na ikinamangha niya.
Seeing him smile a bit, that was priceless for her.
“Anyway, let’s go in—” pero agad itong natigilan nang mag-angat ito ng tingin at nakita siyang naroon pa rin, nakaharang sa pintuan.
Napatingin na rin ulit sa gawi niya si Sir Zephieru.
“Oh, is she your girlfriend, brute?” nakangising tanong pa nito kay boss Zach.
Natigilan siya. Ano bang girlfriend ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Hindi ba't kinilala siya nitong secretary ni Zach kanina?
“Of course not, she’s Katharina Herrera, my secretary,” mabilis na kaagad na tanggi ni boss Zach.
“Oh, I thought she’s your girlfriend or live in partner perhaps, ngayon lang kasi—”
“Stop it, brute. Miss Herrera is just my secretary. She’s here because I was asking here to buy my weekly supplies,” sabi ni boss Zach sa pinsan nito. “Right, Miss Herera?” baling nito sa kaniya kaya agad siyang nataranta.
"Yes, boss,” sagot kaagad niya.
Nagpasalamat pa siya at hindi pumiyok ang boses niya dahil sa pagkakataranta niya at pagpipigil ng sakit na nararamdaman niya.
Pero mas mabuti naman iyong secretary ang pagpapakilala sa kaniya ng boss niya kaysa ipakilala siya nitong f**k buddy nito. Sobrang nakakahiya at nakakainsulto iyon.
“Oh, hi Miss Katharina, I’m Zephieru De Sandiego, but you can call me Ze,” nakangising pagpapakilala ng lalaki sa kaniya. “And as I was saying a while ago, I’m Zach’s cousin from his father side,” dugtong nito at naglahad pa ng kamay sa harap niya.
Napatingin pa siya kay boss Zach, pero walang emosyon lang ang mukha nito lalo na ang mga mata nitong nakatingin sa kanila ng pinsan nito. Tila wala naman itong pakialam kung makikipagkilala siya sa pinsan nito.
“It’s nice meeting you, Sir—”
“No, I am not your boss, so just call me Ze, milady,” putol nito sa kaniya at mabilis na inabot ang kamay niya.
Akala niya ay makipag-shake hands lang ang lalaki pero nagulat siya nang dalhin nito ang kamay niya sa mga labi nito at hinalikan iyon.
“Let’s go in, Zephieru,” malamig na sabi ni boss Zach, pagkuwan ay pumasok ito sa penthouse.
Mabilis naman siyang gumilid para makadaan ang mga ito.
Zephieru chuckled. “Someone’s jealous," anito at ngumisi pa bago humakbang papasok sa penthouse at sinundan ang boss niya.
Napalunok siya. Hindi niya alam kung aalis ba siya o mananatili. Pero nang maisip niya ang isinagot ni Zach sa pinsan nito ay nagpasya siyang i-text niya muna ito para alam nito na uuwi muna siya sa apartment. Pero Bago pa man siya makapagtipa ng mensahe ay nag-text na ito sa kaniya.
Boss Zach:
Zephieru's staying in my penthouse for several days, so go home to your apartment for now.
Agad naman siyang natuwa sa mensahe nito. Puwede na niyang madalaw Ang anak niya matapos ang trabaho niya. Agad na nagtipa siya ng reply.
Okay, boss, but my belongings are still inside.
Boss Zach:
Just leave it there. Go!
Napangiwi siya sa naging reply nito. Kung makataboy ito sa kaniya ay para siyang aso nito na nakagawa ng hindi maganda at ayaw na muna siya nitong makita.
Magtitipa na sana siya ng reply rito nang bumukas ang pinto at iniluwa n'yon si Zach at ang pinsan nitong si Zephieru.
“Milady, why are you still outside?” tanong sa kaniya ni Zephieru.
Seryoso ang hitsura nito pero kabaliktaran naman ang mga mata nito na para bang may kung anong nakakatuwa sa nakita nito.
"Ah—"
“She’s going home, Zephieru,” ani ni boss Zach bago pa man siya nakapagsalita.
“Oh, I thought she’s leaving here in your penthouse,” sabi ni Zephieru.
Seryoso pa rin ang mukha nito kaya hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ang lalaki o ano.
“Zephieru, I told you, Miss Herera is just my secretary. Nothing more, nothing less.” Mariing sabi ni boss Zach, napipikon na yata.
Malakas na natawa naman si Zephieru.
“Hey, brute relax. I was just kidding, okay? You’re too defensive, tsk.” ani ng lalaki at iiling-iling na lumapit ito sa kaniya at huminto ng may ilang dangkal na distansiya mula sa kaniya.
Nakita niya ang makahulugang ngisi ni Zephieru habang tinititigan siya. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin sa lalaki. This man is really something. Kanina pa niya nahahalatang kahit may ngising nakapaskil sa labi nito pero lahat ng mga sinasabi nito ay tila may ibig ipakahulugan.
Pakiramdam niya may alam ang lalaki sa kung anong meron sila ni boss Zach maliban sa pagiging secretary niya sa pinsan nito.
“You’re going home?” tanong ng lalaki sa kaniya. Tumango siya. “Ihahatid na kita.”
Napangiwi siya. “Naku, Sir. Hindi na po. Magta-taxi na lang po ako.” Mabilis niyang tanggi lalo pa at kahit hindi niya tingnan si boss Zach ay alam niyang galit na ito sa kaniya.
“I am a disciple of the law, so don’t worry I’m harmless,” giit pa nito.
“Let her be, Zephieru. She used to be here, so she can handle herself.”
Napakurap siya at mabilis na napunta ang tingin niya kay boss Zach nang magsalita ito.
Hindi na maipinta ang mukha nito habang nanatili pa ring nakatayo sa kung saan ito kanina pa.
“Yes, Sir. Tama si boss Zach kaya aalis na po ako,” aniya at mabilis ng tumalikod at nagmamadaling tinahak niya ang Daan papuntang elevator.
Pagkapasok niya sa elevator ay agad niyang pinindot ang button sa gilid para sumara ang pinto. Hawak ang tapat ng dibdib niya ay napapikit siya at nahahapong isinandal niya ang likod sa dingding ng elevator.
Hindi siya umuwi sa apartment niya at nagpasya siyang pumunta sa hospital kung nasaan ang anak niya.
“Sa Maynila Medical Center po tayo, kuya," aniya sa taxi driver.
Doon na lang muna siya magpapalipas ng gabi para makasama niya ang anak. Lunes bukas at alam niyang ilang araw na naman niyang hindi makasama at mabantayan ang anak niya. At sana magtagal pa si Zephieru sa penthouse ni Zach para muli ay magkaroon siya ng oras para sa anak niya.
Madaling araw ay umuwi siya sa apartment niya para magbihis. Mabuti na lang at hindi niya dinala lahat ng damit pang-opisina niya sa penthouse ni Zach.
Naligo muna siya bago nagbihis. Sa may karenderya na lang siya ni Aling Ibing kakain dahil wala siyang malulutong pagkain sa fridge niya.
“Magandang umaga, may luto na po ba kayong ulam at kanin?” tanong niya sa babaeng nakatalikod sa kaniya at busy sa pagpupunas ng mesa.
Mabilis naman itong humarap sa kaniya. Ngingitian na sana niya ito nang hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik. Kita niya sa magandang mukha ng babae ang pagkamangha.
“B-Bakit po?” nauutal niyang tanong dahil naiilang siya sa klase ng tingin na ibinibigay sa kaniya ng babae. Mukhang bago lang yata rito ang babae dahil ngayon lang niya ito nakita.
"A-Ah... wala naman," umiling pa ito.
Lumabas si Aling Ibing at inutusan nito ang babae na Kristina pala ang pangalan na asikasuhin muna nito ang kusina. Hindi naman nagprotesta ang babae at agad itong tumango at pumasok sa loob ng kusina nitong karenderya ni Aling Ibing.
Sinundan niya ng tingin ang babae. Kapangalan nito ang ate niya.
“Bago niyo pong serbedora, Aling Ibing?” tanong niya.
“Ay, oo pero napaka-ambisyosa. Pangarapin ba namang magtrabaho roon sa De Sandiego Aviation Services. Eh, high school lang naman ang natapos.” Pagtatalak ni Aling Ibing.
Kumunot ang noo niya. Hindi kasi niya nagustuhan ang sinabi ng matanda.
“Malay mo naman, Aling Ibing,” aniya.
Pero umismid lang ito at umiling-iling.
“Naku, ‘wag na nga nating pag-usapan ang ambiyosang iyon. Ano ba ang order mo? Teka, bakit ka nga pala ngayon lang napunta ulit dito? May nangyari ba sa anak mo?” sunud-sunod na tanong nito sa kaniya.
“Naku, wala naman po, Aling Ibing. Busy lang po ako sa trabaho at sa pagbabantay sa anak ko sa hospital.”
“May anak ka na?” tanong ng isang baritonong boses na nasa likuran niya.
Nang pumihit siya para tingnan kung sino ito, bigla ay nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.