PAGKALAPAG ni Katharina sa kaniyang shoulder bag sa upuan niya ay agad siyang tumungo sa opisina ni Claire. Hindi na niya puwedeng palampasin pa ang ginawa nito sa isang crew ng hotel at sa harap pa ng mga guest. Nasa rules and regulations iyon. Hindi nila puwedeng pagalitan ang crew o any hotel employees in front of the guest. But Claire did it and that was an act of unprofessionalism. Ano na lang ang sasabihin ng mga guest sa kanila? Ginawa rin ang rules na iyon para respetuhin din ng mga guest ang mga nagtatrabaho sa loob ng hotel. Dahil kung makikita ng mga ito na basta na lang nilang kinakawawa ang mga trabahante nitong hotel ay may mga guest na ma-attitude din na hindi rin igagalang ang mga employees lalo na iyong mga hotel crew and utility. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng o

