“NO BOYS ALOUD HERE!” sabi ni ate Chel gamit ang intercom nang hindi lang si Zach ang narinig nilang nasa labas ng pinto. "Let me in, ate Chel. My wife is in there." Boses na naman ni Sir Jacob ang narinig nilang nagsalita. Tumingin silang lahat Kay Heejhea pero nakasimangot na umiling-iling lang ito. "She doesn't want you---" Pero sunud-sunod na doorbell ang narinig nila na biglang ikinatayo nina ate Chel at Yelena. Kita niya sa mga mukha nito ang pagka-alarma. “Si Mommy…” si Yelena, na siyang unang nakahuma kaysa kay ate Chel. Napangiwi si ate Chel at agad inutusan ang kapatid na pagbuksan na lang ang pinto. Agad namang naglakad si Yelena patungo sa may pinto at binuksan nito iyon. Mabilis namang nagsipasukan ang mga pinsang lalaki nina ate Chel. “You tricked us!” maktol na siga

