PAGKATAPOS magpunas ng mga shelves ay muling naging abala si Ara sa pagbabalik ng mga libro. Dahilan kaya hindi niya ang mabilis na paglipas ng mga oras. Past six na at sarado na ang library. Kapag ganoon ay busy na sila sa paglilinis ng aklatan. At dahil nga silang dalawa ni Daniel ang naka-duty para sa oras na iyon ay hindi maiwasan ni Ara ang makaramdam ng matinding discomfort dahil sa presence ng binata. "Kung gusto mo pwede ka nang magpahinga, ako nalang ang gagawa nito," ang mabait na wika ni Daniel habang busy siya sa pagwawalis. Humaplos sa puso ni Ara ang sinabing iyon ng binata pero hindi niya maialis ang ginawang paghalik nito sa kaniya noong isang araw kaya katulad ng dati ay nangibabaw na naman ang inis na nararamdaman niya para sa lalaki. "Mapapagalitan ako kapag ginaw

