Dating
HINDI ako makapaniwala sa sinabi niya, Hindi ko inaasahan na manggagaling ‘yon mismo sa bibig niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lambot ng labi niya sa 'kin kahit nagtagal lamang 'yon ng iilang segundo. Nagpagulong gulong ako sa higaan ko na parang teen-ager dahil sa kilig na nararamdaman.
Tunog lamang ng cellphone ko ang pumukaw sa 'kin mula sa iniisip ko. Sinagot ko ang tawag ni Marco, “Hi Marco!” masiglang bati ko. He chuckled on the other line.
"How are you today, Eleyna? Why aren't you sleeping yet? It's late already.”
Ako naman ngayon ang napahalakhak. Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa wall at ang maliit na kamay nito ay nakaturo sa numero onse at ang mahaba naman ay sa sais.
"Sleep now, Eleyna. Masama ang magpuyat. Hindi mo ikagaganda 'yan."
"Eh, bakit ikaw gising pa?" I arched my brow kahit na hindi niya nakikita. Pinipigilan ko din mapangiti sa pag-aalala niya. Noon pa man ay ganito na sa 'kin si Marco. He's over protected when it comes to me because he saw me as his little sister.
"I'm a doctor, Eleyna, remember? And kagagaling ko lang sa operating room."
"So, what’s with the call? You're tired, right?"
He heaved a sigh on the other line. "Ilang araw na kitang hindi nakakausap, Eleyna. Hindi pwedeng hindi kita kamustahin. Mag-aalala sila nanay sa probinsya. Bakit ba kasi hindi ka na lang dito sa bahay ko tumira?" Ang nanay na tinutukoy niya ay si nanay. Nakasanayan niya nang gano’n ang itawag dahil gano’n din ako sa mga magulang n'ya.
Tumagilid ako ng higa at inilagay sa loud speaker ang telepono ko. Inilapag ko sa kama at pinikit ang aking mata. "Marco...alam mong hindi pwede ‘di ba? Nakakahiya na sa ‘yo. Tinulungan mo na nga akong makapasok sa pinagtatrabahuhan ko, pati ba naman sa paghanap ng tirahan, iaaasa ko pa sa ‘yo?”
"Eleyna, you know that I'm willing to help you right?"
"Pero Marco h—”
He cut me off. "I have to go, Eleyna. Let's meet tomorrow or the day after tomorrow. I want to talk to you in personal." Dial tone na ang narinig kong kasunod. Kung matigas ang ulo ko, mas matigas ang kay Marco lalo na kapag sa tuwing nagtatalo kami at sa palagay niya na siya ang tama
I put my phone on the bedside table at inayos na ang pagkakahiga ko. Inaantok na din kasi talaga ako. But before I close my eyes, my phone rang again for the second time. Inabot ko iyon nang hindi sinusulyapan kung sino ang caller dahil alam kong sir Marco lang naman ang tatawag sa 'kin ng ganitong oras.
"What now Marco? Matutulog na nga ako ‘di ba katulad ng sinabi mo?” Humikab pa ako ngunit tila nabitin 'yon dahil sa baritonong boses na nagsalita sa kabilang linya. Napabangon pa ako sa pagkakahiga at tiningnan ang hindi naka-register na numerong tumatawag sa 'kin ngayon.
"Who's Marco?"
Kilalang kilala ko ang boses na ‘to. Hindi ako pwedeng magkamali. "T-trevor?" nakuha ko pang magtanong kahit sigurado kong siya ito. Sa malamyos pa lamang niyangtinig. Nakakasigurado na akong siya nga ito.
Pero bakit tatawag siya sa 'kin ng ganitong oras? Hindi na din ako magtatanong kung saan niya nakuha ang numero ko dahil makapangyarihan siyang tao.
"Matutulog ka na?" aniya, hindi kinompira na siya nga ito.
"H-hindi pa,” agarang pagtanggi ko. s**t! What the hell, Eleyna? Ngunit totoo naman. Nawala bigla ang antok ko nang marinig ko ang boses niya.
"Good. I want to talk to you."
"Ah…” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kinakabahan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Bumangon ako mula sa kama at naglakad patungo sa may bintana ng kwarto ko. Binuksan ko ito upang makahanap ng tamang salitang sasabihin sa kanya ngunit kusa akong natigilan nang makitang nasa labas lamang ng apartment ko ang taong kausap ko.
Kinusot0kusot ko pa ang mata ko at nagbabakasakali na namamalikmata lamang ako pero nanatiling nakatingala sa 'kin si Trevor habang nakasandal sa hood ng kanyang sasakyan. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon at ang isa naman ay nakahawak sa telepono niya.
"Trevor? What are you doing out there?"
Kumaway siya at nangibit balikat lang. Hindi ko na inintindi ang suot kong manipis na sando at maiksing short at dali-daling lumabas. Nakababa na ang kanyang telepono at pareho nang nakasuksok sa bulsa ng pantalon ang kamay niya.
"B-bat hindi mo sinabi agad na nandito ka? Tsaka a-anong ginagawa mo dito? Late na. Baka may trabaho ka pa bukas."
"Can I come in?" salungat sa tanong ko ang naging sagot niya.
"Ah...s-sure." Ayaw ko sana siyang papasukin pero nakakahiya naman dahil pumunta pa talaga siya dito.
Nauna na akong maglakad nang mapansin kong hindi siya nakasunod sa 'kin. May kinuha ito sa loob ng sasakyan at ilang sandal pa’y nakita kong may hawak na siyang bote ng alak. Hindi ako maalam sa mga alak kaya hindi ko makita kung anong klase 'yon. Itinaas niya ito. Tila nagtatanong kung pwede siyang uminom sa loob ng apartment ko.
"My friends are busy. They can’t accompany me at the bar. Instead of going there alone..." He shrugged his shoulders.
Pinigilan kong mapangiti dahil nakuha ko kung ano ang ibig niyang sabihin. "Okay. C-come in."
I opened the gate for him but before he can move his feet, tumunog naman ang kanyang telepono. Kapwa kami napatigil habang ang kamay ko ay nakahawak pa rin sa gate. Bumalik din siya pansamantala sa loob ng sasakyan niya at inilagay doon ang bote ng alak na dala niya.
Sinagot niya ang tawag nang hindi inaalis ang paningin sa 'kin. Ngumiti na lang ako at iniiwas ang paningin sa kanya. Ilang segundo na ang nakakaraan mula nang iwasan ko ang kanyang titig nang mapagdesisyunan kong sulyapan siya at ganun na lamang ang pag-iinit ng pisngi ko nang maabutan kong nanatili pa rin sa ‘kin ang kanyang paningin.
Biglang umihip ang malamig na hangin kaya hinaplos ko ang magkabilang braso ko. I even tapped my feet on the ground.
"Alright,” dinig kong pahayag niya sa kabilang linya bago pinatay ang tawag. Humakbang siya papalapit sa 'kin nang hindi inaalis ang titig sa mga mata ko.
Muli akong napaiwas ng tingin at agad din napalingon sa kanya nang maramdaman kong hinaplos niya ang braso ko pababa sa aking kamay saka niya iyon pinagsiklop sa kanya.
"T-trevor." My voice rugged. Bumibilis na din ang paghinga ko.
"Sssh."
He towered over me kaya naman nakatingala ako sa kanya ngayon. Ang mga kamay kong hawak niya ay dinala niya sa kanyang labi at hinalikan ito. At halos makaramdam ako ng panghihinayang nang agad niya rin iyong binitiwan. I want to hold his hand again. Gusto ko tuloy kastiguhin ang aking sarili dahil hindi ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.
Pinagmasdan ko lamang siyang hubarin ang leather jacket na suot niya hanggang sa ipinatong niya ito sa balikat ko. Yumungkod siya sa 'kin matapos niyang g win 'yon at hinalikan ako sa noo ko.
"I have to go."
Bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig. Ang akala ko pa naman ay makakasama ko pa siya ng matagal. Ang sakit din palang umasa. Natawa ako ng mapakla. Wala naman pinapangako sa 'kin si Trevor pero heto ako’t nadismaya na at umaasa. I'm assuming things and it sucks.
I nodded and turn his back on him. I don't want him to see my disappointed face. Ayokong ipakita sa kanya na sa mga sandaling sinabi niya na gusto niya akong makasama at makausap ay umasa ako ni katiting na baka gusto niya din ako.
But he admitted that he likes you, Eleyna. He confessed his feeling already.
Salungat sa iniisip ko ang nararamdaman ko. Ayoko iyong sangayunan dahil wala naman siyang sinabi sa ‘kin dahilan para umasa ako.. He just said that he likes me. Maybe he likes me as a friend not that he likes me as a woman. That's it Eleyna. Wag mo nang hintayin pa na isampal sayo ang katotohanan.
Hanggang sa makapasok ako sa loob ay wala na akong narinig na tugon pa kay Trevor. Tunog na lamang ng pag-alis ng sasakyan ang namutawi sa paligid.
Mabigat ang loob na humiga ako sa kama. Sinulyapan ko ang telepono ko at nagbabakasakaling tumawag si Trevor pero hanggang sa dalawin ako ng antok ay wala akong natanggap na tawag sa kanya.
I woke up the other day dahil sa lakas ng tugtog sa baba. Kinusot ko ang mata ko at bumangon. Nang makababa ay napamura ako. Oh damn, Marco! Dahil siya lang naman ang bumibisita sa 'kin at magpapatugtog ng malakas para lang magising ako.
"Why so early, Marco?" He's in the kitchen cooking something while wearing my pink apron. I giggled coz I find it cute. He's not the hot doctor right now that people knew. He's the cute chef for today.
"Kaylan ka pa huling kumain ng matinong pagkain, Eleyna?”
Lumapit ako sa kanya at sinilip ang niluluto niya. Napairap ako. Nagpiprito lang naman siya ng hotdogs at egg. Tch. If I know, ‘yan lang naman ang alam niyang lutuin.
Kumuha ako ng tinidor at tinusok 'yon sa isang hotdog. Bahagya niyang pinatay ang kalan at nameywang na humarap sa 'kin. "How is it?"
See? He looks nervous. ‘Yan lang kasi ang alam niya at minsan pumapalpak pa. Madalas sunog dahil sa lakas ng apoy mula sa stove.
"Pwede na." Nguya ko at hindi inintindi ang pag irap niya. I grab two plates at parehong nilagyan ng sinangag na niluto din niya.
"Pwede na? Why? How about you? Do you know how to cook already?"
Napaiwas ako ng tingin dahil sa mapanguyam niyang tanong at nakakalokong ngisi. s**t! He got me there. Kapag inaasar ko siya sa mga niluluto niya, ibabalik lang n'ya yon sa 'kin.
"Oo. N-noong isang araw lang." Nanatiling nasa hotdog ang paningin ko. Kapagkwan ay bigla akong pinamulahan. Bakit sa dinamirami pwedeng titigan ay 'yong hotdog pa?
Matunog na paghalakhak ang naging tugin ni Marco. Gamit ng tinidor ay dinuro ko siya. "Don't you dare laugh at me, Marco!” I gritted my teeth dahil sa pang aasar niya.
"Really huh..." Napatango tango ito. He even put his forefinger and thumb on his chin, wari'y nag-iisip. "Kaya pala puro canned goods ang laman ng kitchen mo. You really know how to cook. Yeah."
***
"SAAN ba kasi tayo pupunta?" Gusto ko lamang matulog maghapon pero dahil sa doctor na kasama ko’y naudlot iyon. Binuhat ba naman ako sa kama at dinala sa banyo saka ako binasa. I'm still sleepy dahil kung anong oras na akong natulog kagabi.
"Puyat ka? Ano’ng oras ka natulog kagabi? Hindi ba't sinabi kong matulog ka na agad nang patayin ko ang tawag?”
I rolled my eyes at itinaas ang paa ko sa dashboard ng sasakyan niya. Hinayaan niya lamang ako sa ginagawa ko. Ganito ako kakumportable sa tuwing kasama ko si Marco. Pero nang si Trevor naman ang nakasama ko ay halos hindi ako makakilos dahil sa kabang nararamdaman ko.
I heaved a sigh. Simula pa kaninang umaga ako nag-aabang ng tawag niya hanggang ngayon na malapit nang maghapon.
Pero ano nga ba naman ang aasahan ko? Hindi naman sa may responsibilidad siyang tawagan ako araw-araw. May sariling buhay ‘yong tao at baka nga nakakaabala lang ako sa kanya. Ang maybe he was just worried nang makita niyang umiiyak ako noong isang gabi.
Nag malling kami ni Marco maghapon. Pinagbilhan niya din ako ng mga groceries kahit na ayaw ko pero ang rason niya ay sa apartment ko na lang siya mag-di-dinner kapag hindi siya busy para naman matigil na daw ang mga sinasabi ko. Pabor naman 'yon sa 'kin para naman may kasalo ako. Nakakalungkot kaya mag-isa.
Isa pa magpapadala na lang daw siya ng maid sa apartment ko para taga-linis at taga-luto ko. At katulad ng nakasanayan, tumanggi ako. Pero mapilit talaga si Marco. He insisted and he gave me a choice. It's either magpapadala siya ng maid sa apartment ko o sapilitan niya akong patitirahin sa bahay niya.
Nang sumapit naman ang gabi ay dinala ako ni Marco sa isang Chinese restaurant. Bagaman nagtataka, hinayaan lang ako ni Marco na tumabi sa kanya at saka ako kumuha ng picture namin dalawa.
Tinigil niya pansamantala ang pag-kain at idinantay sa balikat ko ang braso niya. Ang isang kamay naman ay nakakurot sa kaliwang pisngi ko. Samantalang ako naman ay ngumuso lang. This is our first picture since I stayed here in Manila.
"Great. Ipapakita ko to kila Nanay. Sasabihin ko, ang takaw-takaw mo,” ani ko habang pinagmamasdan ang kuha naming dalawa. Inabot naman niya ang cellphone ko at kung may ano siyang kinalikot doon nang ilapag ko ‘yon sa mesa para uminom ng tubig.
"Upload it on face book and I'll do the same."
"Ha? Tag mo na lang sa 'kin,” suhestyon ko.
"No. I won't tag it on you. C'mon, upload it."
Tumango na lang ako at hindi nagprotesta sa gusto niya. I opened my face book and upload it with a caption: having dinner with this hot doctor beside me.
Tiningan ko pa iyon ng ilang segundo bago ko ibinalik ang phone sa purse ko. Nang ibaling ko naman ang tingin sa kasama ko, naabutan ko itong naka-tutok ang mga mata sa cellphone niya at ngingiti-ngiti.
Dahil sa kyuryusidad dinungaw ko kung ano ang tinitingnan niya pero inilayo niya lamang iyon sa 'kin.
"Damot." I whispered on his right ear at bumalik sa pwesto ko.
Natapos ang dinner namin na hindi na maaalis ang ngiti ni Marco.
"Para kang timang. Magtigil ka nga,” puna ko.
"If you'd only knew, Eleyna why am I being like this tonight. For sure you'll get furious."
My brows furrowed. Pinanlisikan ko siya ng tingin at pabagsak na sinara ang pinto ng Bugatti Veyron niya. Alam kong may ginawa na naman tong kalokohan.
"Uh. Don't give me that look, Eleyna. I promise, it has nothing to do with the picture."
Mas lalong nangunot ang nook o. "Wala akong sinasabi, Marco. You're so defensive." Gotcha! He just tasted the dose of his own medicine. Wala pa man akong sinasabi pero nahuhuli ko na siya. He's not really good when it comes in lying.
***
“OUCH!” daing ko nang tapikin ako ni Margaux sa braso. Tila nagising rin ang sistema ko dahil sa ginawa niya. Naka-yungko lamang kasi ako sa mesa ko, plano sanang umidlip kahit ilang minuto man lang. Lunes na ngayon at katulad ng ginawa ko noong biyernes at sabado ng gabi, naghintay ako sa tawag ni Trevor ngunit wala akong natanggap.
“Puyat ka Teh? Kaloka ka, Eleyna. Ka-date mo na nga noong sabadong gabi ang pinaka-hot na doctor ng bansa. Hanggang ngayon hindi ka pa rin maka-get over?"
"A-ano?" Napaayos ako ng upo, hndi iniinda ang gulo-gulo kong buhok.
"Kunwari hindi alam." Ngumuso si Margaux at pinaikot ang mga mata. May kung ano siyang kinuha sa loob ng handbag niya at inilabas doon ang cellphone niya. Kinalikot niya iyon at inabot sa ‘kin. Tumambad sa 'kin ang isang f*******: profile na panigurado akong kay Marco dahil nangunguna sa timeline nito ang dinner naming noong nakaraan.
'This hot chic beside me really know how to make me smile. You love me that much huh, Eleyna?'
Basa ko sa caption. Kaya pala ayaw niyang i-tag at ipakita sa 'kin dahil ito ang kalokohang ginawa niya. Ni-share niya ang post ko with that caption. Madami ang likes at comment pero hindi ko na iyon inintindi.
Ibinalik ko kay Margaux ang cellphone niya at yung akin naman ang kinuha ko. I immediately dialed Marco's number but he won’t pick up.
"So… tell me. Is he your mysterious boyfriend, Eleyna?”
"Eww lang, Margaux, ha,” pag-ngiwi ko sa sinabi niya. Hindi naman kasi kami talo ni Marco.
"Aww. Choosy pa, girl. Ganda mo ah,” ani Margaux, natatawa. “Anyway, if he’s not your boyfie, kaanu-ano mo siya? Paano mo siya nakilala?”
"Ikaw paano mo nalaman to? Paano mo siya nakilala?" I asked her instead of answering her.
Inirapan niya naman ako. "Duh. I know all his accounts kaya!”
"Oh my God! Seryoso?"
She nodded. Damn you Marco! Mukhang nabihag mo ang kaibigan ko.
“Yeah,” kinikilig na sagot niya. “So tell me now. Paano mo siya nakilala?"
"He's my childhood friend,” bagot at nakapangalumbaba kong sagot sa kanya, hindi interesado sa pinag-uusapan naming dalawa.
"Oh my God! Ang daya mo, Eleyna. Hindi mo man lang ako ipakilala." Natawa ako nang tila mag-hysterical siya.
***
BUONG maghapon akong kinulit ni Margaux about Marco. Na dapat daw ay ipakilala ko siya dito kung hindi naman pala kami ni Marco. Kaya nang mag uwian ay inalok ako ni Margaux na ihatid sa apartment, umaasang makikita niya doon si Marco, pero tumanggi ako.
Masasayang lang ang effort niya dahil nasa labas ngayon ng bansa si Marco. He's attending seminars for doctor all over the world. He even asked me what I want for pasalubong..
Katulad ng nakasanayan tuwing uwian ay maghihintay ako ng taxi sa tapat ng Park International School. At katulod noong isang araw isang Bugatti Veyron naman ang huminto sa tapat ko katulad ng sa sasakyan ni Marco.
Bumaba ang driver nito at halos mapasinghap ako at hindi inaasahang si Trevor ang bubungad sa ‘king harapan. Ang pagod na naramdaman ko sa maghapon ay tila naglaho nang makita ko ang mapungay niyang mga mata.
Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang mga librong dala ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"Trevor…”
Hinalikan niya ako sa pisngi nang tuluyan akong makapasok sa sasakyan niya. Siya na din mismo ang nagkabit ng seatbelt ko.
"Hi." He greeted then stroked my hair.
Naantala lamang ang titigan naming dalawa nang tumunog ang telepono ko. At halos mapa-mura ako sa isipan ko nang makita kung sino ang tumatawag. Dali-dali ko iyong pinatay at binalik ang tingin kay Trevor.
Tumikhim ito at ginulo ang buhok. "Is he your boyfriend?" tanong niya, nakatutok ang paningin sa telepono ko na tila nandun pa ang pangalan ni Marco.
Agad naman akong umiling. Ang mga mata ko ay kusang dumapo sa labi niya nang basain niya iyon gamit ang kanyang dila. I unconsciously lick mine too. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatingin na rin siya sa mga labi ko.
"You're dating then?"
I shook my head again, not averting my gaze on his lips.
"Good. Coz, I'll be the one you're dating with staring this day onward,” Trevor said then move his head towards me and claimed my lips.