Tensyon NANG matapos ang klase ay agad na akong dumiretso sa faculty room, iniisip pa rin ang discussion kanina. Napabuntonghininga ako at napailing. Masyado akong naapektuhan sa itinuro ko kanina at hindi maalis sa isipan ko si Trevor. Oo at wala siyang ginagawang kakaiba sa ’kin kapag nag-iisa ang katawan naming dalawa. But his obsession and possessiveness, noon pa man sinasabi ko na sa sarili ko na may mali. Maaring nagkaganun din siya nang dahil sa nakaraan niya. Marahil ay meron siyang pinagdaanang hindi maganda nung bata pa siya. O posibleng dahil na rin sa naikwento ni Manang nung nasa batanggas kami. Ah damn! Dahil dito ay mas nagpupursige akong tulungan siya ng hindi niya napapansin dahil ayokong magalit siya at baka isipin niya na iniisip ko na may mali sa pagkatao niya o sa

