Hindi ko nagawang makatulog. Umaasa ako na uuwi na lang bigla si Kaden o tatawag man lang siya sa akin. Ngunit umabot ang umaga ay walang dumating na Kaden at walang tawag mula sa kanya. Nanlulumo at inaantok ako bumaba mula sa aking kwarto. Mabuti na lang ay Sabado ngayon at makakabawi ako ng aking tulog. Ayokong pag-isipan nang masama si Kaden dahil matagal ko ng alam ang pagiging desperada ni Hannah. Naabutan ko sina Tita Yani at Tito Greg sa harapan ng hapag kainan na tila may pinaglalamayan dahil sa dilim ng kanilang mga mukha. "Good morning po, Tita Yani, Tito Greg." Walang ganang pagbati ko sa kanila at naupo sa aking inuupuan. "Dumating ba si Kaden kagabi?" Walang emosyon na tanong ni Tita Yani sa akin. Napakuyom ako ng aking kamay bago dahan dahan na iniling ang aking ulo. Na

