Napanganga ako sa sinambit ni Lila. "N-Nagbibiro ka ba, Lila?" Gulat na gulat kong sambit. "Alam mo na hindi tuloy ang kasal ko di ba?" Dagdag ko na ikinahalakhak niya. "Iyon ang alam mo." Nakangising sambit niya. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa na papalapit sa aming kinaroroonan kaya nilingon ko kung sino ang mga dumating. Napatakip ako ng kamay sa aking bibig nang bumungad sa aking harapan sina mama, papa at Kuya Chiyu at nakasuot ng puting formal na kasuotan. Nanginginig na itinuro ko sila ng aking daliri at pilit na sinisink in ang nangyayari. "E-Eh?!" Tanging naibulalas ko. "A-Akala ko ba kaya hindi kayo makaka-attend ng graduation ko dahil may pupuntahan kayo na kasal?" Nagtatampong tanong ko pa sa kanila. Naalala ko nang ipaalam ko sa kanila ang date ng aming graduation sa pag

