CHAPTER 26 Luminga-linga ako sa aking paligid upang maghanap ng matataguan. Balak kong bumalik na lang sa loob ng backstage at doon na muna tumambay. Mabilis ang aking bawat hakbang papunta sa backstage. Pumasok ako sa mga lalagyan namin ng mga gamit. Ngunit akmang isasarado ko pa lamang ang pintuan nang may malaking kamay na humarang doon kaya hindi iyon natuloy. Shit. Sinundan niya ako! “Bawal ka rito, Ninong! Bawal ang mga customer dito!” Hinarang ko ang aking sarili sa pinto upang hindi siya magtagumpay na pumasok sa loob. “Then let's go outside,” Nang wala akong naging kibo ay sinubukan niyang itulak ang pinto. Ngunit may halo pa rin iyong pag-iingat na 'wag akong maipit. “Dito ko nalang hihintayin si Tito Isidro,” sagot ko. Nagtutulakan kaming dalawa ng pinto. “We’l

