CHAPTER 8
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Kaming dalawa ang magkaharap ngayon at sa haba naman ng mga binti niya ay talagang aabot 'yan sa aking hita.
“Thank you, Tito,” sabi ko nang nilagyan niya ng tubig ang aking baso. Umubo na kasi ako.
Binaba ko sa ilalim ng mesa ang aking kamay upang abutin ang paa niya at kurutin iyon. Pero kahit anong kurot ko ay hindi siya nakaramdam ng sakit at nanatiling humahaplos ang paa sa aking hita.
Hindi na ako mapakali at hindi na makasubo ng maayos. Kung lulunok ako ay pakiramdam ko mabubulunan ako.
Nagtatayuan na ang balahibo ko sa katawan. Hindi naman kita ang paa niya dahil mataas naman ang mantel ng mesa namin.
I am wearing a short right now. Ang magaspang at mainit niyang paa na humahagod ay may kasama pang mga kurot.
Tila may kung anong nakabara sa aking lalamunan at hindi ko malunok ng maayos ang aking kinakain. What is wrong with him?
“Ninong, 'yong ginawa mo kanina habang kumakain tayo pwe—
Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
“Why? You like it?”
Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap siya nang maiwan kaming dalawa dito sa loob ng kusina dahil ako ang nagpresentang maghugas ng plato.
“Paano kung may makakita? Mag-ingat ka naman,”
Mahina ang aking boses dahil pribadong-pribado ang pinag-uusapan namin at hindi pwedeng makarinig ang ibang tao.
“It's under the table. No one's gonna see it,” kibit-balikat na sabi nito. At nakuha pa nitong sampalin ang aking pw3t.
Bigo ko siyang tiningnan.
“I'll go to your room tonight,” bulong nito malapit sa aking tainga bago ako iniwan.
Tumanggap pa rin ako ng trabaho dahil sayang din ang kikitain kong pera. Mas maraming tao ngayon sa bar dahil December. Mas malaki rin ang sweldo.
Nang matapos akong maghugas ng plato ay bumalik na ako sa aming sala dahil nandoon sila. Umagang-umaga kumakanta si Tito Isidro, bumibirit pa kahit hindi niya abot ang mahabang nota. Feel na feel niyang kumanta may kasama pang papikit-pikit ng mga mata.
Magkaibang-magkaiba ang personalidad nilang dalawa. Si Ninong tahimik lang pero itong kapatid niya maririndi ka na lang sa sobrang ingay.
As usual, magkatabi na naman si Ninong at ang kapatid ko. Masasanay din siguro akong makitang nakapulupot ang kamay ni Ate sa braso ni Ninong.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Papa.
“Singer si Amihan, 'di ba? Parinig naman ng sample! Duet na lang tayong dalawa!”
Masisira pa ang career ko kung magduduet kaming dalawa. Tumayo na lang din ako at tumabi sa kanya.
Ang taas pa ng kantang pinili niya. Kahit ako nahihirapang abutin 'yan.
“Walang extra na microphone. Share na lang tayo. Ikaw na mag intro, tapos duet tayo sa chorus. Tapos ako naman sa isang stanza,”
At nakaplano pa talaga? Sumang-ayon na lang ako para mabilis ng matapos 'to.
Ang laki-laki niyang tao pero ang kantang pinili ay walang iba kung hindi “On The Wing of Love”.
Rock ang mga gusto kong kanta. Kumanta na lang din ako nang magsimula na ang tugtog.
At nang dumating na ang chorus ay duet na kaming dalawa. Iisang microphone lang ang gamit namin kaya kailangan niyang lumapit sa akin para marinig din ang boses niya.
Hindi ko maiwasang mapasulyap kay Ninong Alejandro at naka de kuwatro na ang mga binti niya. Kanina nakasandal pa siya ngayon ay maayos na ang pagkakaupo at nakatutok ang mga mata sa aming dalawa ng kapatid niya.
Binigay ko na ang microphone kay Tito Isidro.
Sa aming lahat na nandito ay SI Ninong Alejandro at si Ate lang ang hindi humawak ng mic.
“Shy type 'tong Kuya ko kaya ako na lang ang sasalo sa kanya,”
Napapikit ako. Paos na ang boses niya at ilang beses na itong pumiyok pero mukhang wala pa ring balak na tumigil.
Nakatanggap ako ng text mula sa isang kaibigan ko at nag-aaya sila ng inuman kaya nagpaalam na muna ako sa kanila. Kapag December puro alak na lang ang laman ng tiyan ko dahil ang daming inumang nagaganap.
“Pa, punta lang po ako sa kanila ni Cianne,” pagpapaalam ko at tumayo na.
“Ano na naman ang gagawin mo doon? Ilang beses na kitang sinabihan na 'wag kang sama nang sama sa babaeng 'yon, Amihan! Iinom na naman kayo?” sabi ni Mama.
Si Cianne ang isa sa mga tropa ko simula nung high school. Nagkahiwalay lang kami nitong college na dahil sa ibang school ito nag-aral.
“Ma, minsan lang umuwi si Cianne rito kaya pagbigyan mo na kami,”
Nagpaalam ako sa kanilang lahat.
Si Cianne lang ang may alam na may gusto ako sa aking Ninong Alejandro. Sa kanya ko lang nasasabi 'yon kasi I know she won't judge me.
Dinala ko na lang ang gitara ko dahil plano ko na lang na dumiretso doon mamaya pagkatapos naming mag-inuman.
Isang sakay lang ng tricycle ang bahay nina Cianne at mabilis lang akong nakarating sa kanila.
Her mother is working abroad and she's an only child. May business naman dito ang ama niya.
“Amihan! My god! Namiss kitang pokp0k ka!” malakas na sigaw nito sa akin nang makita akong nakatayo pa lang sa gate nila.
Malusog si Cianne, kaya nang niyakap niya ako ay muntik pa akong ma out of balance.
“Ang blooming mo ngayon! Miss na miss na kita!”
Kung ako gusto kong itim palagi ang mga gamit ko, ito namang si Cianne ay mahilig sa mga girly things. Pink na pink nga ang kwarto nito.
“Simulan na natin, marami akong ikukwento sa 'yo!”
Hinintay ko talaga na makauwi siya para makwento ko sa kanya ng personal 'yong mga hindi kapani-paniwalang pangyayari sa aming dalawa ni Ninong.
“P0kpok ka nga! Totoo ba? Wait lang nga! Parang ayaw pumasok sa utak ko ang mga impormasyon na sinabi mo! Teka lang...”
Nandito kaming dalawa sa loob ng kwarto niya at nakaupo sa sahig. Nasa harapan namin ang alak at may sisig na pulutan.
Uminom ito ng isang baso.
“Pero wala pa namang nangyari sa inyong dalawa, 'no?” paninigurado nito sa akin. Umiling ako bilang sagot.
“You svcked his d1ck? And you let him touch your breast. Baka basa ka d'yan habang nagkukwento sa akin, ah? Paawat ka naman!”
Hinampas ko ang balikat niya. “Gaga!”
“Wait, girlfriend niya ang Ate mo? Pero bakit lapit pa rin nang lapit sa 'yo? Mas nauna ka naman sa Ate mo, 'di ba? May dirty little secret na kayong dalawa ng Ninong mo bago pa maging sila. Ilang buwan na ang nakalipas pero ngayon mo lang sinabi sa akin!”
“Hindi maganda kung sa phone ko lang sabihin. Ito ang mas maganda, may alak pa sa harapan natin,”
“'Yong Ninong mo magkapatid pa ang target niya. P0kpok ka kasi tingnan mo na blackmail ka pa tuloy! Kumakati na ba 'yang puk3lya mo at inamoy mo pa ang boxer niya! I mean, okay lang na amuyin mo. Pero sana hindi ka nagpahuli sa kanya,”
Kulang na lang hampasin ako nitong si Cianne.
Gabi na nang umalis ako sa bahay nila. Kaunti lang ang nainom namin at mas marami kwentuhan. I am still sobber when I went to the bar.
I usually did my job. To sing and make other people happy.
Umuwi na rin ako kalaunan. Patay na ang ilaw sa bahay namin nang pumasok ako.
Dumaan muna ako sa kusina upang uminom ng tubig bago pumasok.
I didn't bother to turn on the lights. I switched on the flashlight of my phone.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng kusina ay may humila na sa akin at tumama ang aking likod sa pader. Napadaing ako dahil sa sakit.
“Ninong!”