CHAPTER 17
“Ibenta nalang kaya natin 'tong relo niya?” wika ni Cianne habang hawak-hawak ang relo ni Ninong Alejandro.
Naligo at nagbihis na ako dahil kalahating araw na ang nasayang ko dahil nga nakatulog ako ng matagal.
“Loka ka talaga. Kung ano-ano na naman 'yang nasa isip mo. Itatago ko na nga 'yan,” umiiling na sabi ko.
Kinuha ko iyon mula sa kanya at nilagay sa loob ng aking bag. Balak ko iyong isauli kay Ninong kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya na kaming dalawa lang.
Magdududa si Ate kapag nakita niyang binibigay ko iyon kay Ninong.
“Tang ina. Ano'ng klaseng paglalakad 'yan, Amihan? Para kang natatae na iwan,”
Palabas na kami ng hotel at ang bagal kong maglakad. Nakangiwi pa ako sa bawat hakbang ko dahil mahapdi pa rin ang aking pagkababa3.
Ang sakit-sakit lalo na nung umihi ako kanina. Nasarapan nga ako kagabi ito naman ang naging kapalit kinabukasan.
“s**t. Nagpakita agad,”
Napatakip si Cianne sa bibig niya at tinanggal ang suot na shades upang matitigan ng mabuti sina Ninong kung saan nakatayo iyon hindi kalayuan sa amin.
“Nagpakita na naman ang problema!”
Tama nga si Cianne. Problema na naman 'to. Paano makakausad ang isang tao kung palaging nakikita? Kumaway si Ate sa amin. Kumaway din kami pabalik sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Cianne at sabay na napabuntong-hininga.
We have no other choice but to go in their direction and greet them.
“Magandang hapon po, Ninong,” bati ko sa kanya. Kinuha ko ang kamay nito at nagmano ako sa kanya.
“Magandang umaga, Amihan. Kumusta ka... yo rito?”
Iba ang sinasabi sa akin ng mga titig niya. That question was not meant for the two of us. It was for me. But he couldn't say it directly because my sister is here with us. Still, I can read his message through his eyes.
“A-ayos lang kami, Ninong. Nag-eenjoy po kami ni Cianne,” nauutal na sagot ko.
Cianne is secretly pinching me.
“Paanong hindi mag-eenjoy si Amihan dito ang daming boys na nandito! Ang daming isda na pwedeng mabingwit. Baka kapag umuwi na kami may dalang afam na si Amihan. Hindi naman siguro strict ang parents n'yo, 'di ba, Ate Antoinette? Payag naman silang may boyfriend na si Amihan,” ang sarap takpan ng bibig ni Cianne!
Humalakhak si Are bago sumagot. “Nagagawa naman ni Amihan lahat ng gusto niya kahit magkaroon pa siya ng boyfriend. Alam niya naman kung ano ang limitations niya,”
Cianne clapped her hands. This girl. Mapapahamak na naman ako sa ginagawa niya! Si Ninong ang sama na ng tingin sa akin na tila pinaparusahan na ako sa isip niya. Wala akong kasalanan d'yan! Si Cianne lang!
“Ayon! Pwede naman pala! Afam ang mabibingwit ni Amihan, Ate. May unli chocolates na kayo sa bahay n'yo,”
Alanganin akong sumabay sa tawanan nilang dalawa. Pero sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako. Wala ng emosyon ang mga mata ni Ninong. Hindi siya natutuwa sa amin!
Umiwas ito ng tingin at hindi kami pinagtuunan ng pansin. Habang nag-uusap si Are at Cianne ay nasa pasulyap-sulyap lang ako sa kanya pero hindi na ulit ito tumingin sa mga mata ko kahit anong huli ko sa titig niya. He's mad at me. Pinahamak ako ni Cianne.
“Maiwan na namin kayong dalawa, Ate. Sisimulan na namin ni Amihan ang afam hunting namin sa islang 'to,”
Hinila na ako ni Cianne at hindi na hinayaang makasagot sa kanila ni Ate.
Nang makaalis kami sa pwesto nila ay malakas kong hinampas ang braso nito.
“Ano na namang pinagsasabi mo dun?” pagalit na tanong ko.
She just pouted her lips and looked at her fingernails. Tamad siyang tumingin sa akin.
“Nakita mo ba ang reaksiyon niya? Natakot nga ako ng very slight dahil baka bigla na lang akong matumba dahil sa titig niya sa akin,”
“Pero, Amihan,” biglang naging seryoso ang mukha niya.
“Your sister is in love with him. Mahal na mahal niya ang Ninong mo. Kaya bilang kaibigan mo, Amihan. Ang mapapayo ko lang sa 'yo ay itigil mo na 'to. Kung ano man ang meron sa inyong dalawa. Nakikiusap nalang ako sa 'yo, para nalang sa Are mo, Amihan. Masasaktan mo siya kapag pinagpatuloy mo pa 'to. Alam kong may naramdaman ka rin para sa kanya, pero magkasintahan na silang dalawa ng kapatid mo. Kasi kahit ako naaawa na rin sa Ate mo. It's time to move on, Amihan. I know you can still find someone, 'yong walang nagmamay-ari at hindi ka nakikiagaw sa iba,”
Hindi natanggal sa aking isipan ang sinabi ng kaibigan kong si Cianne. Lahat ng sinabi niya ay tama at tumpak.
Nasa labas lang ako ng hotel at nakaupo sa isang malaking bato. Madilim na ang paligid pero may iilan pa rin akong nakikitang nagtatampisaw sa tubig.
Tahimik lang ako nakatingin sa malayo habang hawak ang isang bote ng beer na nasa kalahati na ang laman nun.
Ilang beses ko na nga bang sinabi sa sarili ko na ititigil ko na 'to? Pero wala pa ring nangyayari.
Patuloy pa rin akong nakikipaglaro kay Ninong.
“What are you doing here?”
Kung sino ang nasa isip ko ngayon bigla nalang sumulpot sa aking gilid.
“Can you please stop, Ninong?” kalmadong sabi ko.
“Stop what, Amihan?”
Pagod ko siyang tiningnan.
“Ito, lahat ng 'to itigil na natin, Ninong. Nasasaktan ang kapatid ko sa ginagawa nating dalawa. I know this is not a coincidence why you are here. Ano ba talaga ang plano mo sa aming dalawa? Plano mo bang tuhugin kami?”
“Amihan, if only I can explain to you anything...”
A L E J A N D R O 'S P O V
“Nakita ko kayong dalawa ng kapatid ko. What do you think, Tito? Should I tell it to our parents? I definitely know that they will be very very disappointed about her,”
Kumuyom ang aking kamao sa narinig ko. I should have been more careful not to get caught. Now, her sister knows about us.
I always notice that her older sister is very favored by her parents. Kapag dumadalaw ako, paulit-ulit kong naririnig lahat ng mga achievements ni Antoinette. Kung gaano ito kagaling sa lahat ng bagay. Si Amihan, pagdating sa kanya, napansin ko na ang alam ko lang sa kanya ay ang mga hindi magandang bagay na nagagawa niya.
Every time I am in their house, nakikita ko siya palagi nasa gilid lang. Sa tuwing pinag-uusapan namin ang tungkol sa kanya, madalas umaalis ito o kaya ay napapayuko nalang.
At hindi dapat ganoon ang mga magulang. Dapat pantay-pantay na mahalin ang mga anak at walang mas hihigit kahit sabihin pa nating mas magaling siya.
“Don't tell them,”
“Give me a reason kung bakit hindi ko sasabihin sa kanila?” isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi niya.
“What do you want?”
I have to protect Amihan.
Pinatong ko ang aking kamay sa ibabaw ng mesa. Napaurong iyon nang bigla niyang hawakan. But she was quick to hold it.
“Be my boyfriend, Tito Alejandro,”