CHAPTER 41 “Ninong, kakain na tayo!” malakas na sigaw ko sa kanya. Nasa likod siya ng bahay. May hawak itong sketchpad. Walang suot na damit at tanging itim na shorts lang. Tumulong ako kay Manang Rusdelia na maghanda ng pananghalian namin. May natutunan naman ako kahit kaunti. Mabilis lang na gumaan ang aking loob sa kanya dahil mabait naman ito at masarap kausap. Palaging maraming kwento at halos alam ko na ata ang nangyari sa buong buhay niya. Madaldal siya ha, infairness. “Puntahan mo na lang muna si Ser, Ma'am.” “Manang, Amihan na lang po. 'Wag mo na akong tawaging Ma'am hindi mo naman ako amo,” “Gilpren naman kayo ng amo namin kaya parehas lang din 'yon, Ma'am,” Umiling lang ako bago siya iniwan para sunduin na si Ninong sa likod. Ang suot kong damit ay t- shirt ni Ninon

