Lumukob ang gabi sa lungsod, pero ang usok mula sa sunog kagabi ay hindi pa rin nawawala—kumakapit sa skyline na parang pasa, nakikita pa rin mula sa glass walls ni Piolo sa sixty-eighth floor.
Sa loob ng kanyang study, iisa lang ang ilaw—desk lamp na nagbubungad sa stacks ng documents, CCTV screenshots, at isang baso ng scotch na hindi man lang natapos. Nakataas ang sleeves niya, tie lundo. Para sa unang pagkakataon, hindi siya mukhang billionaire—mukhang tao lang na hinahabol ang nakaraan na hindi niya mabili pabalik.
Nasa harap niya ang file ni Hanna. Timestamp. Access log. Chairman Victor Vale—ang clearance ng kanyang ama.
“So it’s you,” bulong niya, boses tahimik pero nanginginig. “Sinunog mo ang project ko para patunayan na hindi ako puwede mabuhay nang wala ang control mo.”
Tumunog ang telepono niya. Text mula kay Hanna:
“Stop trying to play hero. The streets don’t need another savior in a suit.”
Halos ngumiti siya. Kahit natatakot, nakikipaglaban siya.
---
Hanna’s POV
Tahimik na ang shelter. Natutulog na karamihan sa mga pamilya; may ilang volunteers na naglilinis ng bakas ng sunog. Nakatambay si Hanna sa labas, nakatingin sa malayong orange glow. Amoy usok ang mga kamay niya, pero mas mainit ang kanyang iniisip.
“Miss Hanna, pahinga na po kayo,” sabi ng isang matandang vendor.
“Sandali lang, Nanay. mag check lang ako kay Lorie,” sagot niya, iniisip ang nawawalang volunteer.
Biglang lumiwanag ang phone niya: Unknown Number.
“They’ll blame you next. Leave the city. Tonight.”
Tiningnan niya ang dim shelter—walang kakaibang mukha, walang strange na kotse. Pero may pakiramdam siyang panganib.
Hindi pa rin siya tumakbo. Tinawag niya si Piolo.
---
Piolo’s POV
11:47 p.m. Tumunog ang telepono niya. Hanna.
“Ms. Dela Cruz,” sagot niya.
“Don’t call me that. May natanggap akong threat. Someone wants me out of the city.”
“Where are you?”
“Shelter, Pandacan. Pero hindi ako aalis. Hindi puwede ako tumakbo sa sarili kong laban.”
“Then stay where you are.I will Send someone,” sabi niya.
“No. If you send your people, mawawala na naman ang tiwala ng mga tao sa akin.”
“Then I’ll come myself.”
Bago siya makasagot, nag-cut ang linya.
---
30 minuto lang, dumating ang SUV ni Piolo sa Pandacan. Walang guards, walang convoy—siya lang, nakasuot ng simpleng jacket at worn shoes. Ordinaryo, maliban sa bigat sa mata niya.
“Hindi ka dapat nandito,” sabi ni Hanna.
“And yet, here I am. You said you got a threat. Did you keep the message?”
“Yes.” Ipinakita niya ang phone.
“Unknown number. Pero alam ko kung sino—yung developer na pumalit sa project mo noon. Tinanggal mo after bidding scandal.”
Piolo frowned. “Alfredo Limson.”
“Exactly. After your fire, he ‘donated’ sa city’s rebuilding fund. Masyado siyang mabilis.”
“So he’s the spark behind the ashes,” sabi ni Piolo.
“You talk in riddles, Mr. Sterling.”
“I talk in metaphors. Helps me survive board meetings.”
Napatawa si Hanna nang bahagya. “You really don’t belong in the streets.”
“And yet,” sabi niya, “this is the only place I’ve felt human.”
Biglang may malakas na click.
“Down!” sigaw ni Piolo, hinila siya sa likod ng concrete barrier habang sumabog ang lamppost sa tabi nila.
Sabay-sabay sumigaw ang mga tao, umiiyak ang mga bata. Piolo pinigil siya.
Seconds ang lumipas bago huminto ang putukan. Nawala ang mga attackers.
Hanna may gasgas sa palad; may dugo sa sleeve ni Piolo. Hinawakan niya ang kamay niya. “You’re safe now.”
“You said you came alone,” bulong niya.
“I did.”
“Then who shot at us?”
“People who don’t want us asking questions,” sagot ni Piolo, tumitig sa madilim na alley.
---
Minutes later, dumating ang police—huli na, as always. Tumanggi si Piolo ng medical attention, gusto lang ng tahimik.
Si Hanna napansin ang itim, unmarked car sa curb.
“Who are they?”
“People who make sure I stay alive… even when I don’t want to.”
Pumasok siya sa sasakyan, naglaho sa gabi.
---
Later That Night
Umupo si Hanna sa steps ng shelter, tinutupi ang bandage sa pulso. Sirens sa malayo, patunay na hindi natutulog ang lungsod—nagpapalit lang ng bangungot.
Replay niya sa isip: ang mga salita niya, kalmado sa gitna ng apoy, may lungkot sa mata niya.
He’s dangerous, she told herself. But maybe not in the way everyone thinks.
Nag vibrate ang phone niya tuloy tuloy: bagong message.
“Next time, don’t be the one holding the match. — Unknown.”
Kasama ang blurry photo niya at Piolo, lima lang na minuto ang nakalipas.
Someone is watching.
At hindi pa tapos ang apoy.