Chapter 8:Uniform

661 Words
Tahimik na nag-aalmusal si Sandra kasama ang kambal. Tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig. Hindi siya sanay sa pananahimik ng kambal at alam niyang may kinalaman pa din ang naging desisyon niya. "Who washed my uniform," pagbasag niya sa katahimikang namamayani. Nakita niya kanina na nakasabit ang uniform sa may handle ng aparador niya. Clean and already iron, hindi talaga siya matitiis ng mga ito. Wala siyang nakuhang sagot. Kaya inangat niya ang tingin sa mga ito, parehong nakayuko at patuloy na kumakain na parang di man siya narinig na nagtanong. Isinubo niya ang huling piraso ng hotdog at inilapag ang kubyertos na nagsanhi ng ingay. Humigop muna siya ng kape bago muling nagsalita, "Nagtatanong ako." Pinaseryoso niya ang boses at ekspresyon ng mukha upang ipabatid na hindi siya nagbibiro. Sabay na nag-angat ng tingin ang kambal at nagtinginan bago bumaling sa kanya. "I did the washing and Sammy iron it," sagot ni Samuel. Tumayo na ako, I need to go. Ayaw niyang maabutan ng trapik at malate. "Salamat." "Your done eating, ate?" tanong ni Sammy sa kanya. "Yeah, I need to go, baka malate pa ako." Nakita niyang sabay pang tumingin ang kambal sa wall clock na nakasabit sa kusina. "It just 6:30am, it's too early. Eat more para may lakas ka." Akmang paglalagyan pa siya ni Samuel ng pagkain sa plato. "No need Samuel." Awat niya dito. Napatingin ito sa kanya. "7:30am ang pasok ko at ayoko maabutan ng trapik, ayoko malate. Una na ako," paalam niya sa mga ito. Naglakad na siya palabas ng bahay. Pero hindi pa man niya tuluyan nahahawakan ang door knob ay pumihit siya pabalik. Saktong pagpihit niya ay nabungaran niya ang kambal. Mukhang sinundan siya o iisa lamang ang nasa isip nila. Nagkatinginan silang tatlo. "Sorry." "Sorry ate," magkakasabay nilang bigkas. Nagkatinginan muli sila at tumawa. Mabilis niyang niyakap ang kambal. "Don't do that again. I can't take it," sabi niya na pinalungkot pa ang boses. "Kami din naman,eh. Hindi ka naman namin matitiis, 'no," tugon ni Samuel. "Sorry ate, sa inasta namin kagabi. We just worried about you." Singit naman ni Sammy. Humiwalay na siya ng pagkakayakap sa kambal. "Trust ate ok, sisiw lang ito." Pagbibigay niya ng assurance sa mga ito. Itinaas niya pa ang braso para ipakita ang muscle kahit wala naman. Nakita niyang ngumiti na ang kambal. Inayos ni Samuel ang blazer niya at ibinutones pa ito, ipinatong lang niya kasi ito. "Don't remove this, ok. Bakit kasi ang sikip yata ng uniform mo. Order ka ng ibang size saka buti pwede ang pants I thought it's always a skirt," nakakunot noong wika ni Samuel. Pants with blouse kasi ang uniform na suot niya. Well, expected niya naman na skirt dapat tulad ng sinusuot ni Clara pero kahapon aksidente naisama ito kaya natanong niya kung pwede ba ito. Ang sabi naman sa hr ay two option talaga ang uniform pero dahil mas marami ang mas type ang skirt ay na-disregard na ang pants. Siya pa nga lang ang kauna-unahan kumuha nito. Kaso nag-iisa lamang daw ito mukhang naiwan lang. Sinabi na lang na ipang-o-oder muna siya at binigyan siya ng skirt if ever daw na kailanganin. "Well, as you can see available ito, pero isa lang o-order pa. So, isa lang muna itong pagtyatyagaan ko. Mas ok na ito atleast always ko masasakyan si sky," nakangiti niyang tugon. "At hindi masikip ito blouse ko sadyang pinagpala lang ako ng perfect boobs," pagmamalaki niya pang dugtong. "Iww, kadiri ka ate. Ano pinagsasabi mo." Hindi maipinta ang mukha ng kambal. "Sige na. I go ahead, ingat din kayo, call me once you need anything ok." Humalik siya sa pisngi ng mga ito. Palabas na siya ng muling magsalita si Samuel. "We respect your decision to work at VCM. Pero once na apihin at pahirapan ka ng boss mo kami makakalaban niya." Bakas sa boses ni Samuel ang kaseryosohan. Tinaas niya ang kanang kamay at nagwave sa mga ito. "Bye!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD