Nagpakabusy na lamang si Sandra sa trabaho kesa isipin pa ang dragon niyang boss. Hindi ito nagtanong ng schedule niya kaya bahala siya. Nagulat siya ng tumunog muli ang intercom, napahawak pa siya sa kanyang dibdib. "My gosh! Bakit naman ako naging magugulatin ng ganito. kasalanan talaga ng hinayupak na Raymond na iyon dahil ginulat kami kanina. Ano naman koneksyon nun? Wala lang, gusto ko lang may masisi. Nababaliw na talaga siya pati sarili niya kinakausap niya. Nagpatuloy ang pagring ng intercom, mabilis niyang pinindot ang answer button. Pero hindi siya ngsalita. "Why took you so long to answer?" Napangiwi siya ng marinig na naman ang napakalakas na boses ni dragon. "Come inside, now!" As always busy tone na ang narinig niya ni hindi pa man siya nakakasagot dito. "Ahhh!!" impi

