Madaling araw pa lang nang magising si Luna dahil kailangan niya pang umuwi sa bahay ni Tinang. Wala siyang isusuot sa pagpasok sa opisina kaya hindi p'wedeng magtagal siya roon. Naghihilik pa si Hermes kaya ayaw niya itong istorbohin. Ipagluluto na muna niya ng almusal ang lalaking ceo, bago siya aalis doon. Nang matapos ang kalahating oras ay tapos na niyang iluto lahat. Muli niyang isinuot ang long dress, ang kanyang heels, at isinipit na niya ang pouch sa kanyang kilikili, saka dahan-dahan siyang lumabas nang kuwarto upang hindi magising si Hermes. Pero naalala niyang may de-remote pala ang gate ni itlog, kaya hindi rin siya makalalabas. Bumalik siya sa loob nang kuwarto ni Hermes. At kinuha niya ang remote sa bulsa ng slacks nito. Ngunit nahagilap ng dalawang mata niya ang

