Chapter 103: Walang Lihim Na Hindi Nabubunyag

1319 Words

Tila, tumigil ang mundo ni Luna nang marinig niya lahat ang gustong sabihin ng ama sa kanya. Iisa lang ang tanging gusto nito. Ang layuan niya si Hermes. Pero, hindi niya kayang gawin ʼyon! Ilang taon siyang nagtiis nang iwan siya ni Hermes. At alam din naman ng tatay niya kung ano'ng pinagdaanan niya. Tapos, ngayon ay inuutusan siyang lumayo kay itlog. "Hindi ko ho 'yan magagawa, Itay," lakas loob na aniya. Kaya napamaang si Mang Ramon. "Mahal ko ho si Hermes, at alam nʼyo ʼyan," dagdag pa niya sa ama. Naikuyom ng matandang lalaki ang dalawang kamay. "Hindi ka bagay sa kanya! Dahil alam mong masasaktan ka lang! At isa pa, maraming lalaki rʼyan, pero ayoko kay Hermes!" diing wika nito. eh!" "Hindi naman kayo ang pakikisamahan ni Hermes, eh! Kundi ay ako," pahayag niya. Kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD