"Kabago-bago mo pa lang dito, kung sino-sino na ang kinakalantari mo!" gagad ni Hermes kay Luna kaya tumaas ang isang kilay nito. "Kinakalantari ko? Dahan-dahan ka sa pananalita mo sa akin, Hermes dahil hindi ko ʼyon gawain!" sambit niya. "Hindi gawain? You still haven't changed!" wika ng lalaking ceo kaya napabuntong-hininga ang dalaga. "You already have a boyfriend, but you are still flirting with other man, damn!" dagdag pa nito. Kuh, Itlog! Kung makapag-react ka, akala mo talaga may boyfriend si Luna. Ikaw nga, eh! Dumating lang si Valerie, nagpatangay ka na sa agos ng tubig, mukha kang lintang sumisipsip ng dugo! "How many times have I heard that from you," aniya. "Saka, nakita mo ba na may boyfriend ako? At sino'ng nagsabi sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong kay Hermes. Ngun

