"Kaya, matulog ka na, okay!" saad niya. "What if I want to sleep with you?" muling wika ni Hermes. "Ang kulit mo, Itlog! Kung makita nga nila tayo, ipakakasal nila ako, sa ʼyo! At gusto mo ba ʼyon, ha?" "How about you? Do you want me to marry you?" mariin nitong wika. Tinitigan siya ni Luna. Tumaas ang isang kilay nito sabay halukipkip ng dalawang braso. "Paano kung Oo ang sagot ko, Itlog? Pakakasal ka ba sa akin?" pahayag ng dalaga. "I donʼt know," tipid niyang sagot dito. Ibinaling ni Hermes ang paningin sa bintana dahil hindi niya kayang makipagsalubungan ng tingin sa dalaga. "Iyon naman pala! You donʼt know ang sagot, tapos ang kulit mo na magtabi tayo sa isang higaan. Alam ko naman na hindi ako nababagay sa ʼyo at hanggang lunok na lang ako," palatak nito. Kaya hindi n

