"Masarap ba luto ko, ha?" tanong ni Luna kay Hermes habang uminom siya ng wine at kumakain naman ang lalaking amo. "Matabang!" reklamo nito. "Matabang? Baka iba pagkalalasa mo dahil nakainom ka?" untag nito. "Matabang nga! Teka, Dahan-dahan ka nga sa pag-inom mo," saway nito dahil halos gawin niya ng tubig ang alak. "Dahan-dahan? Ayoko ng dahan-dahan, ʼno! nabibitin ako!" "Nabibitin? Hard iyang iniinom mo baka malasing ka pa, eh! Walang magbubuhat sa akin," wika pa nito. "Hard? Bakit, kailan naging mabigat ang alak, aber! May tabla ba ito para maging mabigat? Baka nga, mas mabigat pa nga iyang itlog mo, eh! Siguro, isang kiloʼt kakawalo iyan, no?" "Para kang sira, Ms. Montes. Hayan ka naman sa kilo-kilo. Kung sabihin ko, sa ʼyong twenty-five kilos ang itlog na sinasabi mo,

