Nakanganga lang si Luna nang tanungin siya ni Daniel kung okay lang siya dahil talagang malakas ang impact ng pagkababangga ng mukha niya sa dibdib ng lalaki. Mukha mo ba, o iyang ulo mo Luna? Ano ba, talaga? "Hey, Miss. . . I said, are you okay?" muling tanong ng lalaki sa kanya. "U-Uhm, ye-yesh! Okay lang ako," saad niya na nilagay sa likod ng tainga niya ang ang ilang hibla ng kanyang buhok. "Iʼm sorry if I hit you. Uhm, Iʼm looking for the bathroom," wika nito. "Bathroom? Maliligo ba kayo?" "Pʼwede rin. Toilet pala," kakamot-kamot na wika ni Daniel. "Diyan lang po, malapit sa kuwarto ni Sir Hermes," sagot ni Luna na nakangiti pa rin hanggang ngayon. "Sir Hermes? Are you a maid, here?" untag ng lalaki sa kanya. "Opo, Sir. Kayo, ho? Bisita ho, ba kayo rito o makikak

