"Hello, Sir Hermes," bati nito. "Totoo pala na malaking itlog kayo— este, malaking bulas pala kayo," biro niya sabay hagikgik pa nito. "Hi, magpinsan nga kayo ni Ms. Montes," bati rin ni Hermes sa dalaga sabay ngiti rito. "Parehong ma—" "Na ano, ho?" biglang singit nito. "Na pareho kaming maganda ng pinsan ko? Naku, Sir Hermes, matagal ko na hong alam iyan no'ng nasa tiyan pa ako ng nanay ko," pahayag pa nito na inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga. "Ehem!" tikhim ni Luna para makuha ang atensʼyon ni Tinang. "Tabi ka nga muna, ʼinsan," sambit niya na inusog si Tinang palayo kay Hermes. "Samahan mo na lang akong pumili ng mga underwear ko," pahayag niya. "Ikaw na lang ʼinsan tutal underwear mo naman iyan, eh! At dito lang ako sa tabi ni Sir Hermes," sagot

