Chapter 94 Pagkasakay ni Luna sa taxi ay nilingon niya si Hermes. At sumakay na rin to sa kotse niya. "Dalian mo Manong driver para hindi tayo maabutan nong kotse sa likuran natin," saad niya sa taxi driver. "Bakit, Miss? May humahabol ba sa atin?" untag nito. "Oo! Saka, sasabihin ko ho ba kung wala!" gagad niya na tumingin sa driver at parang nakita niya na ito. "Teka, parang nagmumukhaan ko, kayo," sambit pa niya. Sumulyap naman sa kanya ang taxi driver at nagsalubong ang dalawang kilay nito. "Ikaw ba iyong naisakay ko noon sa dyip ko, Miss?" takang tanong nito. "Oho. Ako nga po. At sa inyo ho ba ang taxi na 'to?" tanong niya. "Oo, akin nga ito," sagot nito. "What a small world! At ngayon ay pasahero nʼyo na naman ako. At taxi na ngayon ang minamaneho ninyo. Baka, sa sus

