-=Zac's Point of View=- Parang mababaliw na ako sa pag-iisip kung si Mary Anne Concepcion na nerd ng school namin at si Alodia Raymundo ay iisa. "Arghh!!" asar na lumabas sa bibig ko, dahil kahina ko pa tinitignan ang larawan ni Alodia trying to imagine her with thick glasses, without makeup, and clothes na panahon pa ata ni kopong kopong pero medyo nahihirapan akong mag imagine kasi naman mahirap isipin na ang mahinhin, simple at nerd na si Mhean ay maaring maging sobrang gandang si Alodia, meron na bang instant makeover ngayon na naimbento para mangyari iyon? Actually kanina nga sa simbahan alam kong naramdaman ni Mhean ang patuloy kong pagtitig dito dahil ilang beses kong nahuling luminga linga ito trying to search for someone hanggang magtama nga ang mga mata namin at ngumiti ito sa

