-=Zac's Point of View=- "How was school?" agad na bungad sa akin ng Mama ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay, natapos na din ang unang araw ko sa school at sa sobrang daming naituro sa loob ng isang buwan na hindi ako nakapasok ay kinailangan ko pang mag stay sa library para makahabol, kinailangan ko pa ngang manghiram ng notes kay Mhean. "Ok naman po, madami lang kailangan habulin sa school." I said kind of exausted ngayong araw na ito. "Well alam ko naman na kaya mong makahabol, ikaw pa anak kaya kita." proud nitong sinabi na abalang abala pa din sa pagpupukpok sa pader. "Yan ang gusto ko sa inyo eh." nakangiti kong sinabi dito sabay halik sa pisngi nito at sa gulat nito ay inagawa ko dito ang hawak nitong martilyo. "Hey! Hindi pa ako tapos." pagmamaktol nito na tinawana

