SELAH WE had a happy week here at the mansion. The twins are now comfortable with everyone here, including the household staff. Nakakatuwa dahil nandito pa rin pala si Manang Diding. May apo na rin siya dahil nag-asawa na rin ang nag-iisa niyang anak na nasa probinsya. Naging magiliw silang lahat sa aking anak at gano'n rin naman ang mga anak ko sa kanila. Malawak rin ang garden na napaglalaruan nila ngayon dito at malaya silang nakaka-takbo at nakakapaglaro. "Ang taas talaga ng energy ng mga anak mo, Selah," hinihingal na reklamo ni Camille. Nakipaghabulan kasi siya sa kambal para exercise na rin niya. Nandito kami ngayon sa garden habang nakatanaw sa kambal na naghahabulan sa damuhan. Maaga pa naman kaya hindi pa masakit sa balat ang init ng araw. Ayaw namang bumalik ni Camille sa B

