SELAH "SERYOSO ka na ba sa desisyon mo, Selah? Paano kung sindikato talaga ang mga 'yun? Baka mapahamak ka!" Histerikal na sambit ni Camille. Mababanaag ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya. Hindi ko pinakita na kinakabahan ako at natatakot, dahil siguradong hindi niya ako palalabasin ng bahay. "Don't worry about me, Camille. Kasama ko si Xennox at siguradong hindi ako pababayaan no'n," pagpapagaan ko ng loob niya. Wala naman siyang nagawa kun 'di ang pumayag na lang at paulit-ulit niyang pagbuga ng mabigat at marahas na hangin. Sandali lang naman ako doon kaya weekender duffle bag lang ang dadalhin ko. Iilang nga lang ang damit na dinala ko para in case na kailanganin ko lang. Hapon pa naman ang meet-up namin bukas ng buyer ng lupa. Sigur

