SELAH "PINAKABA mo naman ako iho. Ang akala ko pinasok na kami ng magnanakaw," sambit ni Lola kay Magnus. "Pasensya na po. Ang akala ko po kasi kung napano na si Selah," tugon naman dito ni Magnus na halatang nagsisinungaling sa sinabi niya. Kagat-kagat ko ang aking labi upang pigilan ang aking pagtawa. Hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari kanina at ang itsura ng mukha niya na gulat na gulat sa ginawa niya. Naka-upo na rin siya sa tabi ko at may mangkok na rin sa harap niya. Naunsyami tuloy ang pagkain ko dahil sa biglang pagsulpot niya kanina. "Ei, kaano-ano mo ba siya Selah?" pagkuwan ay tanong sa akin ni Lola. Kung ano ang pakilala ko kay Xennox 'yun din ang sinabi ko. "Pinsan ko po!" "Asawa niya po!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Magnus dahil sa magkasabay naming pagsigaw, n

