SELAH "M-MAGNUS... P-Phoebe?" Nanginig ang boses ko maging ang buo kong katawan nang makita ko silang dalawa sa aking harapan. Alam kong wala na akong ligtas ngayon dahil narinig nilang dalawa ang pagtawag ko sa kambal na anak. "S-Selah... a-anak mo sila?" kandautal na tanong ni Magnus at tinuro pa ang kambal. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Parang gusto ko na lamang maglaho bigla kasama ang mga anak ko. Hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari ngayong araw. Ang gusto ko lang naman ay maipasyal ang kambal dito para sumaya sila at makalimutan nila ang nangyari noong nakaraang araw. Pero bakit naman ganito? Masyado na kaming pinaglalaruan ng tadhana. "Ate!" Napalingon ako kay Stephen na tumawag sa akin. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa rin doon mawala-wala ang k

