SELAH KANINA pa nag-iinit ang mukha ko dahil sa malagkit na paninitig ni Magnus sa akin. At kada mapapasulyap ako sa kanya'y sinasalubong niya ako nang nakakalokong ngisi. Pinandidilatan ko lamang siya ng mga mata at iniirapan. Siya ang nag-asikaso kay Storm at ako naman kay Thunder dahil naramdaman niya siguro na hindi siya pinapansin ng bata. Siguradong kay Thunder siya mahihirapan manuyo, dahil si Storm ay close na sa kanya agad. Pagkatapos kumain ay ako na ang nag-presintang maghugas ng pinagkainan namin. "What are you wearing, Selah?" baritono niyang tanong. Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita sa likuran ko kaya nahinto ang kamay ko sa pagsasabon ng hawak kong plato. "Huwag mo akong guluhin, Magnus. Hindi ko rin alam kung bakit puro lingerie ang nakalagay sa maleta ko!" as

