Leeya's POV Pag-uwi ko sa bahay ay naisipan kong mag-unboxing na ng mga PR box ko. Sobrang naimbak na kasi ang mga padala sa akin. Kalahati na ata ng stock room namin ay puro iyon na ang laman. Nagagalit na rin si mama dahil hindi na rin siya makapaglagay doon ng mga gamit niya na kailangan itago. Narito ako ngayon sa kuwarto ko at nagse-set up ng mga gamit kong pang-vlog. Dalawang ringlight ang gamit ko at tatlong camera naman ang nakaharap sa akin. Ito ay para hindi nagsasawa sa iisang anggulo lang ang mga viewers ko. Mayroong nasa center lang at mayroong nasa dalawang gilid. Before akong mag-start ay ni-ready ko na muna ang mga bubuksan kong PR Box. Iyong napuno lang muna ang kama ko ang bubuksan ko. Nakakatawa lang dahil hindi manlang nangalahati ang storage room ko. Marami pa ring

