SEVENTH "SA loob ng halos thirteen years ay noong nakaraang taon palang bumalik ang dating sigla niya." Pagpapatuloy ko sa pagkukwento. Nandito kami ngayon ni Kuya First sa terrace ng kwarto niya. Kakatapos ko lang na ihatid ang prinsesa ko sa room na nakalaan sa kanya. Minsanan lang sila ni Maine kung mag-over night dito pero palaging may nakalaang silid para sa kanila. Afterall, they're part of the Castillion family. Balak ko na sanang bumaba kanina ng makita ko si Kuya First na umiinom kaya lumapit na ako. Hindi ko alam kung bakit pero simula ng marinig ko ang sinabi ni Princess Mimi kanina, na ayaw niyang makita si Kuya dahil iba ang kabog ng dibdib niya ay nakaramdam ako ng takot. Na pilit kong itinataboy sa kalooban ko. Bata pa lang ay namulat na ako kung gaano niya kamahal si Ku

