MIKAELA MICHEL PAKIRAMDAM ko ay sumikip ang apat na sulok ng silid ng tuluyan akong makapasok. Nanghihina ang mga tuhod ko habang nakatulala sa lalaking mahal na mahal ko na nakaratay sa hospital bed, walang malay at bakas ang paghihirap sa gwapong mukha nito. May oxygen mask at mga kung anu anong mga aparato na nakakonekta sa mga karayom na nakaturok sa kanyang katawan. Napatakip ako ng aking bibig upang mapigilan ang paghikbi ng malakas. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon dahil kailangan niya ako. Kailangan kong labanan ang pagsakit ng puso ko dahil baka ikasama ko iyon. Dahan dahan akong lumapit sa kinahihigaan niya at masuyong hinaplos ang walang buhay niyang kamay. Namumutla ang kanyang mga labi habang nakapikit ang mga mata, sana nga pagkagising niya ay maging maayos na ang la

