Nakailang ikot pa si Meygan sa kaniyang kuwarto bago siya nagpasyang babain si Jayden. At aaminin niya, makailang beses niya ring sinuklay ang kaniyang buhok sa harapan ng salamin. Pagkababa niya ay naabutan niya si Jayden akala mo'y naglalaro ng basketball pero wala namang hawak na bola. Gusto niyang matawa pero naisip niyang ganoon siguro talaga lapag basketbolista ka. Kahit na wala kang hawak na bola, basta't nakatayo ka lang ay kaya mong ipakita ang mga moves mo pagdating sa pagbabasketbol. Nakatalikod si Jayden sa kaniya kaya naman tumikhim muna siya upang maagaw ang atensiyon ng lalaki. "Nandiyan ka na pala," bahagyang pinahid ni Jayden ang pawis sa noo nito, "nagpapawis lang kaunti," dagdag pa nito. Pakiramdam naman ni Meygan ay hihimatayin siya sa nakikitang itsura ng lalaki. N

