Wellton Intramurals second day... "Yow." Paglingon ni Cailer ay nakita niya si Jayden na kapapasok lamang doon sa SSG office. Habang siya naman ay may mga hawak na papel at kasalukuyang binabasa. "Ayos ka na ba? Masama raw ang pakiramdam mo kahapon sabi ni Wyncy," sambit ni Jayden bago ito naupo sa silyang naroon. Bahagya niya ring tinapunan ng tingin si Wyncy na katabi si Jasmine. "Eh ikaw? Kumusta ka? Napapadalas ka sa labas nitong mga nakaraang araw," biglang segunda ni Jasmine na tumayo at may pinasukang isa pang pinto kung saan nakalagay ang ilang mga papel at mga gamit na hindi na masyadong ginagamit ng Wellton. "What?" Jayden chuckled as he follows Jasmine. Si Cailer naman ay pasimpleng sinundan ng tingin sina Jayden at Jasmine. Si Wyncy naman ay kay Cailer sumusulyap-sulyap h

