Chapter 29

1753 Words

Intramurals Day... "Ito ang mga itataas natin mamaya kapag nagsimula na. Tapos, sa basketball game dapat nandoon pa rin tayo para suportahan sila." Sabay na napalingon sina Meygan at Jai kay Reina. Si Reina ang nag-aasikaso ng mga props nila at iba pang gagawin dahil ito na ang bagong class president nila. Natanggal na rin kasi sila sa class officers. "Sandali lang, Reina... Intrams ito. Hindi laban ng Wellton sa ibang eskwelahan kaya hindi namin kailangang makisuporta sa 'yo sa basketball game mamaya dahil manonood ako ng volleyball game ng girlfriend ko," tutol kaagad ng isa nilang kaklase na lalaki. Umirap naman si Reina rito, "Walang pumipigil sa 'yo, Jacinto." "Okay. Para kasing sa tono ng pananalita mo gusto mong sa basketball game lahat manood mamaya eh," segunda pa ng lalaki.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD