Nagtatakang hinabol ni Cailer si Third. Basta na lang umalis si Third nang pareho silang nagtataka sa takbo ng usapan o tanungan nilang dalawa. "Third!" habol ni Cailer. "What? I'm sorry, okay? B-Baka nagkamali lang ako," pilit ang pagngiting ani Third at muli na itong naglakad palayo kay Cailer. Pilit pa rin namang sumunod si Cailer, "Nagkamali? No sense," saad niya. Inis na muling hinarap ni Third si Cailer, "Bakit ka pa ba magiging interesado? Okay naman na lahat. Okay ang kinalabasan. At isa pa, wala namang dapat pag-usapan pa pagdating kay Meygan, right? In short, wala kang dapat alamin," sambit niya kay Cailer at muli na itong tinalikuran. Hindi na tinangka pang habulin ni Cailer si Third dahil inokupa ng isang alaala ang isipan niya habang may pagtatakang nakasunod ng tingin ka

